Chapter Seven

695K 10.6K 777
                                    

Jace's POV


Hindi ko pa rin mapigilan ang matawa sa tuwing naaalala ko yung hitsura ni Lana kanina. Seriously? Ginawa niya ba talaga yung faith healer-slash-mangkukulam o kung ano mang tawag sa pinaggagagawa niya kanina? Though she's one of a hell weird girl since we were young, hindi ko pa rin lubos maisip na gagawin niya yung kalokohang yun.

Ano kayang nangyari pagkatapos kong iwan si Lana sa sakayan ng jeep? Ang traffic pa man din kanina sa Ortigas Extension. Hays, balak ko naman sana talaga siyang isabay na sa pagpasok e. Kaso nung makita kong prenteng-prente siya sa pagkaka-upo, naisipan kong pag-tripan siya muna tutal e nasira ang umaga ko dahil sa pag-eexpect na may matino akong almusal ngayon matapos ang dalawang taon mahigit.

Speak of more than two years ago, hindi ko inexpect na makikita ko siya rito. I have been a silent partner of this company for years and I didn't know she works here. Sobrang gulat ko nang makita siyang narito. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit pinipilit ako ni Papa, Lana's Dad, to take over habang nagpapagamot si Mr. Lanuza, ang nagpapatakbo nitong kompanya dati.

Malamang binabantayan ni Papa ang bawat kilos ni Lana kaya alam niyang narito ang asawa ko. He even called me the very day when I saw Lana and told me to get back with her! It's so obvious he knows! Hindi naman ako nagco-complain sa gusto niyang mangyari. Actually, I tried getting back with Lana years ago. Nagpadala lang ako sa pride ko. Naisip kong siya ang nang-iwan, matuto siyang bumalik ng kusa.

Hindi ako maka-concentrate buong maghapon sa kakaisip sa kanya. Nakailang beses rin akong pumalpak sa mga ginagawa ko. Buti na nga lang at naging patient si Mae sa akin at inalala pa kung okay ako. She said I was acting really weird. Mabuti na lang at wala akong mahalagang meeting kanina dahil kung hindi, baka ipahiya ko pa ang sarili ko.

Pauwi na ako at balak ko sanang isabay si Lana. Sinadya kong pindutin yung 3 para tignan kung naroon pa siya. Gusto ko sana siyang tawagan na lang kaso nakapatay naman ang cellphone niya. Bababa pa sana ako nang bumukas ang pinto sa 3rd floor. Kaso, nakatayo na siya sa may pinto nun kasama ang dalawang ka-team niya.

"Hi, Sir!" magkasabay na bati sa akin ng dalawa niyang kasama. Si Lana, ni hindi ako tinapunan ng tingin.

Sumakay na sila at tume-tiyempo na lang akong sabihin kay Lanang sumabay na siya sa akin. Magsasalita na sana ako nang sa mahinang boses e nagsalita yung isang babae. Halos pabulong yun at ayaw pa atang iparinig sa akin.

"Bakit hindi mo pa sagutin si Carl, Lana?" tanong niya.

"Huh?!" ani Lana, may panic sa boses niya. Napatingin pa siya sa akin mula sa pinto ng elevator na parang salamin.

"Ilang buwan na bang nanliligaw yun?" tanong naman nung isang babae.

Nagkibit-balikat lang si Lana.

Sino naman kayang Carl yun? Wait, oh I guess that's him! Siya yung nakita kong may iniabot na bulaklak kay Lana minsang pinuntahan ko siya sa 3rd floor. So... nanliligaw pa yun ha. Good luck sa kanya.

Hindi sumagot si Lana hanggang sa bumukas na rin yung pinto ng elevator at bumaba sila sa ground floor. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang na maka-alis si Lana habang sumasara ang pinto ng elevator para dalhin ako sa basement.

Nagmamadaling pumunta ako sa sasakyan ko. Pagkasakay na pagkasakay e pinaandar ko agad yun. Dumaan ako sa may harap ng building at nagbakasakaling hindi pa nakaka-alis si Lana. Pero sa kasamaang palad, wala na siya, mukhang nakasakay agad siya ng jeep.

Wala pa si Lana pagkarating ko sa bahay. Ano pa nga ba ang aasahan ko e nag-commute lang yun? Nagbihis na muna ako saka ko siya hinintay sa may sala. Nilibang ko muna ang sarili ko sa panonood ng TV pero nang wala na akong mapanood na matinong palabas, lumabas na lang ako ng bahay at sumakay ng bike. Inabangan ko siya sa may kanto. Tsk, anong oras na ba? Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?

The New Boss is My Husband?!Where stories live. Discover now