PROLOGUE

228 10 0
                                    

Di ko akalain na pitong taon kong naitago ang nararamdaman ko para sa aking bestfriend na si Theo. Ayaw ko kasing malaman niya na gusto ko siya. Kaya kung hanggang kaya kong itago ay itatago ko sa kanya ang feelings ko dito.

Kaso di ko maiwasang isipin na baka may gusto din siya sa akin. Di lang ako sigurado. Napakalambing niya kasi sakin. Maaalalahanin pa at pakiramdam ko ay para niya na akong jowa.

Nahinto ako sa pagiisip ng akbayan ako ng taong matagal ko ng gusto o dapat ko bang sabihin na mahal ko na.

"Wendell, sabi sa akin ni TJ may gusto raw sayo si Loren" ngiting ngiti na sabi ni Theo.

Ang gwapo talaga ng lalaking ito.

Maputi, makinis ang balat, pantay ang mga mapuputing ngipin, mapula ang labi at ang nakakaattract niyang singkit na maamong mata.

Tinitigan ko muna siya bago ako sumagot.

"Ako ba talaga? Eh diba matagal mo ng crush yon?"

"Oo baby, kaso ikaw ang type non di naman ako" napakamot siya sa batok.

"Wag kang magalala, type na type naman kita" sabi ko sa isip.

"Ayos lang yon, hayaan mo na"

"Hahayaan mo lang yung ganong kagandang babae" lumapit ang mukha nito sa akin. Tumatama ang mabango nitong hininga sa pisngi ko. Kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Baby, di pa ako ready para sa mga ganyang relasyon. Di naman ako atat na atat na magkajowa no"

"Wehh. Baka iba ang type mo" sabi niya. Alam kong nakatingin siya sa akin. Pakiramdam ko nga ay para akong matutunaw sa mga tingin niya.

Kung ice cream lang ako siguro kanina pa ako tunaw.

"Oo parang ganon na nga baby" sabi kong ganyan.

Sa tingin ko ito na yung tamang oras para umamin ako sa kanya. Baka kasi sa huli pagsisihan ko na di ko sinabi sa kanya na gusto ko siya. Matagal ko na siyang gusto.

This is the right time and the right place. Nandito kasi kami ngayon sa paborito naming tambayan. Dito sa rooftop ng building namin.

"Sino naman iyang maswerteng babae na nagustuhan ng baby ko?" pagtataka nito.

Kung alam mo lang na ikaw ang tinutukoy ko. Ang lalaking laman ng puso't isip ko. Matagal na kitang gusto Theo.

Nagdadalawang isip pa din ako kung sasabihin ko sa kanya. Nagtatalo ang isip at puso ko, hindi sila magkasundo.

"Hindi siya babae" bumuntong hininga ako. Napalingon ito sa akin.

"Ano?" parang di niya narinig pero malinaw at malakas naman ang pagkakasabi ko sa kanya.

Huminga ulit ako ng malalim bago magsalita.

"Ang sabi ko hindi babae ang gusto ko" tinapunan niya ako ng matalim na tingin.

"What do you mean?"

"Lalaki ang gusto ko Theo. At ikaw yon. Ikaw ang tinutukoy ko. I like you, i mean i love you" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

Napaatras siya ng tatlong hakbang patalikod palayo sa akin.

"D*mn! Are you gay? Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi" naguguluhan niyang sabi.

"I dont know. Basta nung nagkakilala tayo don sa coffee shop gusto na kita. Una palang at higit pa sa isang kaibigan na ang turing ko noon sayo" nahihiya kong sabi.

"Kaya naman pala gusto mong tawagan natin "baby" kapag tayo lang dalawa kasi matagal ka na palang may gusto sa akin! Bakit di ko napansin yon" asik niya.

King Of My Heart Where stories live. Discover now