CHAPTER 24

222 14 2
                                    

Binitawan ko ang kamay niya at bigla nalang kumapit sa braso ni Theo.

"Baby ko maniwala ka sakin it's Wendell. Siya talaga ang may kasalanan, sinubukan niya akong itulak sa pool. Gusto niya akong malunod para masolo ka niya." ang paawang tono niya sa lalaking nililingkis.

"Diba girls, nakita niyo siya ang unang tumulak sa akin. Sinugod niya ako diba."

Lumingon pa siya sa mga kaibigan para makuha ang suporta ng kasinungalingan niya. Di na ako nagulat ng tumango sila sa sinabi ni Sharmaine.

"Sinisiraan mo ako? Para saan? Para ikaw ang angat. Minsan naman bawasan mo din yang pagiging bida-bida mo."

"Theo tingnan mo natatakot ako. Ang tapang niya diba. Mukhang nagbago na yang Wendell na kilala mo noon." mas dumikit pa siya sa lalaking katabi. "Please, paalisin mo na siya dito at baka saktan niya ulit ako."

"Wag kang sinungaling, sabihin mo sa kanila ang totoong nangyari." medyo tumaas na ang boses ko.

"Pwede bang wag kang sumigaw." mahinahon na sabi ni Theo.

"Di ako sumisigaw, nagpapaliwanag lang ako." diin ko.

"Sharmaine is right. Parang may nagbago nga sayo, dahil ba kay Liam na lalaki mo ngayon." nanlaki ang mata ko sa tinuran ni Theo. Di ko alam ang isasagot sa sinabi niya.

"Hindi ka makasagot dahil totoo" ang dagdag pa niya. Napailing ako at kumunot ang noo.

"Bago mo ako sumbatan kung bakit ako nagbago, tanungin mo iyang kasama mo kung paano niya ako trinato."

Umiwas lang sa akin ng tingin si Theo saka siya deritsong pumasok sa bahay at iniwan kami. Muli akong bumaling ng tingin kay Sharmaine.

"Fake people like you have an image to maintain, real people like me just don’t give a sh*t." ang huli kong linya sa babae na'to bago umalis saka sinundan si Theo.

Naabutan kong paakyat na siya sa hagdan. Kaya hinawakan ko ang kamay niya para pigilan kaso mabilis niyang binawi yon.

"We have to do now is take this lies and make them true" umiwas siya ng tingin sakin. "We have to see that I don't belong to you and you don't belong to me." napanganga ako pero mabilis akong nakasagot.

"No, Theo!" sigaw ko.

"Yes, Wendell" mahinahon niyang tono.

"You told me once that if we win, will win together. If we lose, then will all lose together. I don't want to be the only one taking all the blame" huminga ako ng malalim at tinitigan ang kanyang gwapong mukha.

"And now I realize the blame is on me" I added.

"I don't wanna be the puppet that you're playing on a string" tinitigan niya ako sa mata. "This king don't need a king like you. You don't deserve me Wendell! Manloloko ka! You cheated on me!" napaatras ako sa sinabi ni Theo habang nanlalaki ang mga mata.

"Anong sinasabi mo?" di siya sumagot sa tanong ko.

Pumasok sa isip ko na baka naipakita na ng babaeng iyon ang video namin ni Kuya Leroy sa kanya.

"I'm not going to lie, I've done a lot of bad things in my past. But I will use them to teach myself. And you know na hindi kita kayang lokohin Theo, alam mo yan" hindi pa din siya nagsalita sa sinabi ko.

Wala na akong ibang maisip kundi aminin ang totoo. Mas mabuti na iyon kaysa magsinungaling dahil hindi naman maitatama ng kasinungalingan ang katotohanan.

"Oo Theo. Kung ano man yung nakita mo sa video" huminto ako saglit "Ako iyon at si Kuya Leroy" malungkot kong sabi.

"Edi umamin ka din na niloko mo nga ako at nagpakasarap ka kay Liam" tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "Bakit mo sakin nagawa 'to. Di kaba kontento sa akin kaya humanap ka ng ibang lalaki. Hindi paba ako sapat sayo Wendell."

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Jan 30, 2022 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

King Of My Heart Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu