CHAPTER 2

112 8 0
                                    


Isang linggo na din ako dito sa loob ng hospital at mamaya lang ay pwede na akong makalabas.

"Wendell, nabayaran ko na lahat ng hospital bills mo pati yung mga gamot mo para sa sugat. Binilhan na din kita ng vitamins" nakangiti niyang sabi habang may hinahalungkat sa dala niyang bag.

"Maraming maraming salamat sayo. Ang dami na ng naitulong mo" sagot ko saka may inabot si JK na puting sobre sa akin.

"Ano to?" pagtataka ko at binuksan ang sobre na may laman na pera. Binilang ko iyon at nanlaki ang mata ko.

"JK, hindi ba sobra sobra na itong naitulong mo sa akin" may laman kasing 15k ang sobre.

"Kulang pa nga yan sa perwisyo na ginawa ko sayo. Di ka na nakakapasok sa klase mo at alam kong di ka din makakasuweldo sa part time mo dahil sa akin" tiningnan niya pa ako sa mata.

"Sorry ha. Basta kung kailangan mo lang ng tulong nandito ako kahit na tapos na yung nagawa ko sayo"

"Oo naman saka wag kana mag-sorry. Ayos na yon. Makakalabas na nga ako mamaya ehh" nakangiti kong tugon sa kanya. Hinawakan ako ni JK sa balikat at pinisil iyon.

"Ehem! Iba talaga chumupa ang bakla. Daming nauuto na mayamang boylet" sabi ng mokong sa gilid namin. Nakalimutan ko pala na may kasama kaming asungot dito.

"Bro, may sinasabi ka ba?" ani JK kay Theo. Buti nalang ako lang pala ang nakarinig sa sinabi niya.

"Wag mo ng pansinin yan, ganyan talaga yan may pagka abno. Siguro kinakausap niya yung mga kasama niyang imaginary friend" sabay tawa ng mahina. Natawa din si JK sa sinabi ko. Matalim lang ang tingin sa amin ni Theo.

Akala mo ha! Ikaw lang ang may karapatang bumanat sabi ko sa isip habang nakatingin sa lalaking umuusok ang tenga.

Maya maya pa ay may pumasok na nurse at sinabing pwede na kaming lumabas. May pinirmahan lang si JK tapos umalis na kami.

Habang papunta sa parking ng hospital si JK ang nagdala ng mga gamit ko habang nakabuntot lang sa likod namin si Theo. Wala man lang siyang dinala dahil na kay JK lahat. Buti nalang di mabigat yung bag.

"Sakin kana sumabay ihahatid na kita sa inyo" sabi ni JK.

Napalingon ako kay Theo ng hatakin niya yung bag na dala ni JK. Wala man lang siyang pasabi na kukunin niya yon.

"Pre, masyado kanang maraming naitulong ako na ang maghahatid sa kanya" tinignan ako ni Theo ng matalim at tumango. Kaya napaatras ako sa kinatatayuan ko.

Ano bang problema nito?

"Wendell, get in, let's drive. Sa akin kana sumabay" sabi ulit ni JK na nasa loob na pala ng kotse.

"Uulitin ko lang baka di mo narinig. Sa akin nga siya sasabay. Umuwi ka na baka hinahanap kana sa inyo" ani Theo at hinawakan ang palapulsuhan ko.

Lumabas ng kotse si JK at tumabi sa amin.

"Dyan mo ba siya isasakay? Baka malaglag siya dyan sa motor mo at mapilayan pa siya" bumaling ng tingin sa akin si JK "Bumaba ka dyan mas safe ka sa akin kung don ka sa loob ng kotse ko Wendell" aniya.

"Pre, kulit mo naman ehhh. Alis na nga kami. Salamat nalang sayo" ani Theo at pinaharurot ang motor nito. Di ko na nga nagawang magpaalam pa kay JK.

Kumapit ako ng mahigpit sa damit ni Theo dahil ang bilis ng patakbo niya. Nang makalayo kami sa hospital dun lang bumagal ang takbo ng motor nito.

"Wag mo akong hawakan ng ganyan baka mahulog ka. Yakapin mo kaya ako ng mahigpit sa katawan. Sige ka baka gusto mong mahulog dyan" ani Theo habang nakatingin sa daan.

King Of My Heart Where stories live. Discover now