CHAPTER 1

143 7 0
                                    


"Okay baby Theo, magsimula tayo ulit" nakangiti kong sagot sa taong kanina pa ako tinititigan.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang maglapat ang labi ko at malambot niyang labi. Is this true, I cant believe. Kung panaginip lang ito sana di na ako magising.

"Baby Wendell, I love you" ani Theo.

"What? Paano si Loren? Anong sasabihin mo sa kanya? Makikipaghiwalay ka ba sa kanya?" sunod sunod kong mga tanong.

"Yes. Narealize ko na kasi ngayon na ikaw pala ang mahal ko. Mahal na mahal kita baby ko"

"Telege be?" pabebe kong sabi at hinawi ang mahaba ko kunong buhok.

Tumango lang si Theo at biglang nagliwanag.

Wt*! Anong nangyayari?! Nasa langit na ba ako. Ba't ang liwanag.

"Thanks god. Gising kana hijo." sabi ng boses sa gilid ko at tiningnan ito.

"Sino po kayo? Ano pong ginagawa ko dito-" napahinto ako sa pagsasalita dahil sa kirot. Nakaramdam ako ng kung anong hapdi sa hita ko ng pinilit kong tumayo pati sa likod.

"Hijo, mahiga ka muna. Wag kang babangon."

Tinignan ko ang katawan ko. May mga benda at gasgas. Puno ng gasgas ang kamay ko. Manhid ang kaliwa kong braso. Mukhang nabali ang buto nito. Pakiramdam ko sinampal ako ng sampung kabayo. Ang sakit ng mukha ko.

"Ate? What happen" nagtataka kong sabi sa nurse.

"Hijo, nasagasaan ka raw ng kotse. Sabi di mo nakita yung sasakyan kaya ganyan ang nangyari sayo"

"Pasenya na po. Aksidente po ang nangyari"

"Pasalamat ka nalang talaga at may nagdala sayo dito. Buti nalang talaga kung hindi-" Napalingon kami ng may pumasok sa pinto.

"Oh ayan na pala yung boyfriend mo. Aalis na muna ako at ichecheck ko pa yung Ibang pasyente"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng nurse. Ano raw boyfriend. Nagsara ang pinto ng kwarto at lumapit sa akin yung lalaki.

"Sino ka ha! Para magpakilala na boyfriend ko?" tinignan ko ang maamo nitong mukha. Infairness gwapo siya.

Makapal ang kilay, matangos ang ilong, mapula ang labi. Bagsak ang tuwid nitong buhok. Maganda din tignan ang build ng katawan niya na yumayakap sa namumutok niyang braso at dibdib.

"I-im s-sorry" yun lang ang sinabi niya at nilapag ang supot sa side table ng kama.

"Ha? Bakit ka nagsosorry. Tinatanong kita bakit mo sinabi na boyfriend kita?! EH hindi naman kita kilala"

"Di ko kasi alam ang gagawin ko. Nataranta din ako ng tanungin ako ng mga doctor kung kaano ano kita"

"Bakit di mo tinawagan ang number don sa suot kung school id. Baka nagaalala na sakin ang mga magulang ko"

"Di ko ginawa kasi ayokong malaman nila na ako ang nakasagasa sayo" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ikaw! Mokong ka, ikaw pala ang nakasagasa sa akin. Dapat pagbayaran mo itong ginawa mo"

"Doc! Nars! Ito pala ang nakasagasa sa akin. Di ko talaga kaano ano itong lalaki nato!" sigaw ko sa loob ng kwarto.

Lumapit sakin yung lalaki at tinakpan ang bibig ko. Ramdam ko ang malambot at amoy rosas nitong palad sa ilong ko.

"Wag kang maingay. Tinulungan na nga kita ehhh. Wag mo na sabihin sa kanila" tumama ang hininga niya na may amoy ng alak.

"Sh*t! Nakainom ka! Kaya mo ako nasagasaan. Ikaw ang may kasalanan nito kung bakit may benda ang kamay ko at paa. At puro gasgas ako" inis kong sabi.

King Of My Heart Where stories live. Discover now