CHAPTER 7

98 7 0
                                    


Nang magdikit ang katawan namin ni Theo, pinulupot niya ang kamay sa aking bewang at ang higpit nun kaya di ako makagalaw.

"T-Theo b-bitawan mo nga ako" naiilang kong sabi sa kanya. Ngiting ngiti naman si mokong.

"Ano ba bitawan mo nga ako sabi" inis ko ng tono.

"Hahalikan nga muna kita saka kita papakawalan"

"Sinong nagsabi na papayag akong magpahalik sayo" tinulak ko siya kaso mahigpit talaga ang pagkakakapit ng isang 'to.

"Kahit 10 minutes lang"

"Bakit ang tagal? Ayoko Theo tumigil ka lang" naiinis ko pa din sabi.

Tumatama na sa pisngi ko ang mabango niyang hininga. At kung di pa ako makakaalis dito siguradong baka malaglag na ako sa bitag niya.

Kaya buong lakas akong kumawala sa kanya, pasalamat naman ako at nakatakas ako sa kanya.

Salamat nakawala ako mula sa halik ni hudas.

"Osge kung ayaw mo ng halik ko." tumingin siya sa akin ng kakaiba "Ibibigay ko na yung matagal mo ng gusto para mapatunayan ko na magbabago na talaga ako" seryoso niyang sabi.

"Bakit hinihingi ko ba para ibigay mo sa akin?" pilosopo kong sabi. Wala akong ideya sa tinutukoy niya.

Di siya nakasagot sa sinabi ko.

"Kung magbabago ka man gawin mo, hindi yung puro salita" napangiti siya sa sinabi ko.

"Okay gawin na natin ngayon. Ibibigay ko na sayo 'to" nagtaka ako sa sinabi niya.

"Ano bang ibibigay mo sa akin?"

"Ito lang naman" ngiting ngiti niyang sabi habang hinihimas ang kapirasong laman na natutulog sa gitna ng kanyang hita.

Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Baliw ka talaga no! Lumuwag na naman yang turnilyo mo sa utak kaya kung ano anong sinasabi mo" nauutal kong sabi.

Hinawakan niya ang kanan kong kamay at pinatong dun sa harap niya.

"Seryoso ako Wendell" di ko mabasa ang emosyon na nasa mukha niya.

Mas diniin pa ni Theo ang kamay ko sa harap niya kaya naramdaman kong may kumislot don. Binawi ko naman agad ng maramdaman na may gumalaw sa loob ng shorts niya.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sabi ko sayo totoo ang sinasabi ko. Naramdaman mo ba si junjun ko, gusto ka na niyang makilala Wendell" napaatras ako sa sinabi niya.

"T-Theo kung ano man yang iniisip mo, please wag"

Naupo siya sa kama.

"Halika na, ready na ko" tinapik niya yung kama na parang inaaya niya akong umupo don sa tabi nito.

Napakagat ako sa labi.

"Tigil tigilan mo lang ako baka masampal kita ulit" galit galitan kong sabi pero deep inside kinakabahan na ako sa pwedeng mangyari.

"Subukan mo lang, gagahasain na kita" nakangising sabi ni Theo. Di na ko sumagot at tinalikuran ko nalang siya saka dumiretso sa kusina.

Napalingon ako ng hawakan niya yung braso ko.

"Gahasain nalang kaya kita, ayaw mo naman kasing magpahalik sa akin" ani Theo. Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Binibiro lang kita, tumabi ka na dyan at ako ng magluluto ng hapunan natin" sabay pisil ng pisngi ko.

King Of My Heart Where stories live. Discover now