CHAPTER 6

103 7 0
                                    


Napanganga ako sa sinabi ni Theo. Sa pagkakasabi niyang yon ramdam kong parang tumagos yon sa puso ko.

Di ko mapigiling hindi mapangiti dahil lang sa narinig. Ito na yung matagal kong hinintay na marinig mula sa kanya. Sabi ko na nga ba gusto din ako ni Theo.

"Nagseselos ako dahil may gusto din ako sayo Wendell!" paulit ulit yon sa utak ko, para na nga akong mababaliw. May pagasa pa ako sa kanya. Lahat ng dalangin ko sa wakas nasagot na.

"T-Totoo ba yung sinabi mo Theo?" ngiting ngiti kong sabi.

Hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti. "Oo totoo nga, totoong totoo na uto uto kang bakla ka! Sige na umuwi kana" sabay tawa niya ng malakas.

Bigla naman nabura ang ngiti sa aking mukha. Ang buong akala ko pa naman ay totoo na, yun pala biro na naman niya. Di ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Gusto ko nalang bumuka ang lupa at kainin ako nito.

Mukhang hindi na talaga ako aasa na magkakagusto sa akin si Theo. Hindi na talaga! Even if it's just pretend.

"Oh! Bakit ka umiiyak? Sinaktan ba kita" natatawa pa din na sabi ni Theo.

"Bahala ka sa buhay mo! Ayaw na kitang makita" yun ang nasabi ko dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Aalis na talaga ako don sa dorm. Kakalimutan ko na gusto kita. Hindi, na mahal pala kita Theo. Ngayong araw maguumpisa na akong alisin ka sa sistema ko. Ayoko na sa sayo.

Nasa lobby na ako ng hospital ng may humawak ng kamay ko. Si Theo sinundan niya pala ako.

"Ano bang problema mo!" sigaw ko sa kanya kaya binitawan niya ako.

"Galit ka ba sa akin" napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ba halata na galit ako sa kanya. Nanatili akong tahimik.

"Ayoko lang naman umuwi ka na galit ka sa akin" nagpapaawa na naman siya. Kaso hindi na ako maniniwala sa kanya.

"Hindi lang ako basta uuwi, kundi aalis na ako para di mo na ako makita. Ayoko na, di na kaya ng puso ko Theo lahat ng ginagawa mo. Sawang sawa na ako" pinunasan ko ang luha at nagpakatatag.

Hindi na ako iiyak sa harap niya. Hinding hindi na.

"Sige umalis ka pero wag kang aalis ng dorm. Gusto ko doon ka lang" seryoso niyang sabi.

"Hindi ko na talaga kaya na makasama ka pa. At kung hindi pa ako aalis don baka di ko na kayanin"

"Ginawa ko lang naman yon para lumayo ka don kay Axel. Di ko kasi gusto na nakikita kitang napapalapit sa lalaking 'yon"

"Ano bang problema mo sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama"

"Basta ayoko siya para sayo"

Di na ako sumagot tinalikuran ko nalang siya at nagpatuloy sa paglakad.

"Kapag di ka pa niya nilayuan talagang tutuluyan ko na siya" napahinto ako sa sinabi ni Theo. At muling lumingon sa kanya.

Tinitigan ko siya at binasa na parang isang bukas na libro.

"T-Theo sabihin mo sa akin na mali ang iniisip ko. Alam kong hindi mo kayang gawin yon kay Axel" napalunok ako. Ngumiti siya at umiwas ng tingin sa akin.

"Oo, tama ka ng hinala mo. Ako nga ang bumugbog sa kanya para layuan ka lang niya" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, di ako makapaniwala.

"Nababaliw ka na ba!? Bakit mo yun ginawa sa kanya!" di ko namalayan na dumapo na pala ang palad ko sa mukha ni Theo. At namula iyon.

Galit ang nararamdaman ko ngayon. Di ko inaasahan na siya pala ang may gawa nun kay Axel.

"Dapat lang sa kanya yun, lapit kasi siya ng lapit sayo kaya iyon ang napala niya" nakatanggap pa siya ng dalawang magkasunod na sampal mula sa akin.

King Of My Heart Where stories live. Discover now