CHAPTER 18

66 3 0
                                    


Napatingin sa akin ng deritso si Theo sa sinabi ko. Lumungkot din ang ekspresyon ng mukha niya.

Magsasalita na sana siya ng dumating ang babaeng ito at hinatak si Theo patayo sa pagkakaupo.

"Bakit magkasama kayo nito!" sigaw niya kaya napatayo din ako.

"Hoy bakla! Wag mong inaakit ang magiging asawa ko! Layuan mo si Theo!" gigil niyang sabi sa akin.

"Pinapalayo ka na diba at kapag ayaw kang kausap, wag ka ng mangulit. Nakakaabala ka lang" mataray niyang dagdag at dinuro-duro ako.

"Ang tanong ikaw ba ang gusto kong makausap" bara ko sa kanya na ikinataas ng kanyang kaliwang kilay.

"ABA! Marunong ng sumagot ang bakla! Sabi ko na nga ba nasa loob ang kulo mo. Hindi ka talaga mabait" asik niya sa akin.

"Being good is an option not a requirement" I seriously answer.

Nagulat ako ng walang paalam niya akong sinampal sa mukha. Di ko inaasahan iyon.

Promise yourself no matter how bad people treat you, never be a bad person to take a revenge. God knows deep of my heart. I said to myself.

"Wag mong hintayin na balang araw ako naman yung magbabago at ikaw naman yung maninibago" sabi ko habang hawak ang masakit kong pisngi.

"I don't care! Kahit na magpasex change ka pa o magmukha kang babae. Hinding hindi mo mapapantayan ang kagandahan ko. It's all natural walang halong kemikal, kaya mamatay ka sa inggit sa akin" tawang tawa na sabi ni Sharmaine.

Napalingon ako sa likod ko ng may malakas na tawa at pumapalakpak pa.

"Nakakatawa ka naman sa part na iniisip mong kainggit inggit ka" ang sabi ni JK ng makalapit sa amin.

Mas tumaray ang pagmumukha ni Sharmaine.

"Hindi porket may pimples at dugyutin panget na. Bakit? Lahat ba ng makinis at malinis maganda?" dagdag ni JK na tawang tawa pa din.

"Oo, makinis ako at malinis. Idagdag mo pa na sobrang ganda ko. Kaya maraming naiinggit sa akin na mga panget dyan kagaya ng katabi mo" taas noo niyang sabi.

Natawa lang ulit si JK. Samantalang ako nakayuko dahil sa hiya. Panget naman talaga ako pero di ako naiinggit sa kanya.

"Kindness makes you the most beautiful person in the world no matter what you look like" napailing si JK. "Kaso kahit na patak ata ng kabaitan ay hindi ka makikitaan" sumeryoso ang mukha niya.

"Bwisit ka! Naistress mo ako, nababawasan ang kagandahan ko ng dahil sayo" inis na sabi ni Sharmaine at tumingin sa akin. "Hindi pa tayo tapos" hinawakan niya si Theo.

"Let's go baby ko, umalis na tayo dito" mukhang nairita siya sa sinabi ni JK.

"Hayaan mong ikaw ang piliin, hindi yung pinili ka kasi pinilit mo" natatawang dagdag niya.

"Shut up!" inis na inis na si Sharmaine.

Tumingin si JK kay Theo.

"Bro, never avoid the person who truly loves you. Because nowadays it's very hard to find a true love. Never ignore the person who cares for you, and misses you. Because one day, you might wake up from your sleep and realize that you lost the moon while counting the stars" saka natawa "Kaso hindi naman mukhang star yang katabi mo" dagdag niya at ngumisi.

King Of My Heart Where stories live. Discover now