CHAPTER 14

62 5 0
                                    


Lahat ng tingin namin ay nabaling sa lalaking dumating. Ngumiti si Axel ng magtama ang mga mata namin.

"Bakit basa ang damit mo" kinuha niya ang sariling panyo saka pinunasan ang polo ko.

"Dzuh! ang haba ng hair ng bakla, baka mamatay ka sa sarap niyan sa dami ng lalaki na nilalandi mo"

"What's your problem with Wendell? Bakit mo siya tinapunan ng juice" asik ni JK kay Sharmaine.

Huminto naman si Axel sa pagpunas sa akin.

"Ikaw ang may gawa nito sa kanya?" matalim ang tingin na pinukol nito sa babaeng nasa harapan namin.

"So what? Anong paki niyo kung gusto ko. Mukhang di naman naliligo yan kaya pinaliguan ko" inirapan niya yung dalawa.

"As a vice president of the student council. Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo lalo na kay Wendell"

"Ano naman ang gusto mong gawin ko? Lumuhod ako sa kanya o halikan siya sa paa" tinaas niya pa ang kaliwang kilay. Napakataray ni Sharmaine.

"Say sorry to Wendell" ani Axel at kumunot ang noo.

"No way! Asa ka!" pagmamatigas niya.

"Say sorry or community service! Kapag di ka humingi ng tawad sa ginawa mo ipapalinis ko sayo lahat ng CR ng babae" diin ni Axel.

"Ewwww! Okay" tiningnan ako ni Sharmaine "Sorry! Happy ka na!" umikot ang mata niyang tumingin sa mga kasama. "Let's go girls! Magkaka skin rashes  pa ata ako kung magtagal tayo dito" sabay alis nila.

"Kapag may ginawa pa sayong masama yung babae na yon. Wag kang mahiya na magsumbong sa akin" sabi ni Axel habang patuloy na pinupunasan ang basa sa polo ko.

"Kahit hindi na siya magsabi sayo nandito naman ako para protektahan siya" pagsingit ni JK.

"Kaano ano ka ba ni Wendell at bakit lagi mo siyang kasama?"

Napahinto si JK sa sinabi ni Axel.

"Bro, alam mo bang malapit ng dumating yung boyfriend niya kaya wala ka ng pagasa sa kanya katulad ko. Kaya parehas lang tayo na friendzone dito" tumingin sa akin si Axel. "Alis na ko, ingat ka palagi ha" sabay abot ng panyo niya.

Nang makaalis siya dahan dahan akong tumingin kay JK na kanina pa pala nakatingin sa akin. Napalunok ako ng laway dahil sa titig niya sa akin.

"Sino ang boyfriend mo?" walang emosyon niyang bigkas.

Napalunok ulit ako sa tanong niya. Sasabihin ko na ba? Mas mabuti na ngang malaman niya para mabawasan ang pagka clingy ng lalaki nato.

"Si T-Theo. Boyfriend ko siya" mabilis kong sagot.

Ngumiti siya sabay akbay sa akin.

"Sabi ko na nga ba eh, di mo lang basta kaibigan yung lalaki na yon kasi boyfriend mo naman pala"

"Lalayo ka na ba niyan sa akin? Dahil taken na ako"

"Bakit ko naman gagawin yon. Kahit magkaanak ka pa sa kanya di ako aalis sa tabi mo" pinisil ni JK ang pisngi ko.

"Kung mabubuntis niya ako" saka ko siya siniko sa tagiliran na ikinatawa niya.

"Nandito lang ako kahit ako pa ang gumastos ng kasal niyo" natatawa niyang sabi.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Nakakatuwa lang ang supporta na ibinibigay ni JK para sa akin.

Pagkatapos ng klase hinatid ako ni JK sa dorm katulad ng lagi niyang ginagawa. Nasa harap na kami ng gate ng lumapit ang landlady sa akin.

King Of My Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon