CHAPTER 4

102 7 0
                                    


Di ko nalang pinansin yung sinabi sa akin ni Theo. At kahit na ano pang masasakit na sabihin niya tungkol sa akin ay di na ako mag papatinag sa kanya.

"Parang di kinakausap ah! Kaya mo na palang magbingi bingihan ngayon" ani Theo habang  sumusunod sa likod ko.

"Saan ka nga galing?! Hoy tinatanong kita" di pa din ako sumagot sa kanya. Nagtatampo kasi ako, di man lang niya ako ginising kanina kaya nalate ako ng pasok.

Nagulat ako ng pisilin niya ang pisngi ng pwet ko. Kaya tumingin ako sa kanya.

"Ano bang problema mo? Bakit ka namimisil ng pwet" inis kong sabi.

"Nakakapagsalita ka naman pala eh, kanina pa kaya kita tinatanong. Alam mo bang para lang akong hangin dito ha"

"Bakit kapag nasa school din naman tayo diba ganyan din ang ginagawa mo sakin. Hindi mo ako pinapansin kahit na magkaklase tayo. Pakiramdam ko nga hindi tayo magkakilala tapos ngayon ganyan ka umasta. Wala ka din naman pakialam sa akin kaya bakit pa kita kakausapin" napaatras si Theo sa sinabi ko.

"Oh ano di ka makasagot dahil totoo?" sumingkit ang mata ko sa kanya "Tapos hinahayaan mo lang ako na bastusin at mabully ng mga kaibigan mo. Sa tingin ko nga tuwang tuwa ka pa sa ginagawa nila sa akin" huminga ako ng malalim.

"Alam mo bang nasasaktan na ako sa araw araw na nabubuhay ako, pero nagpapakatatag lang ako para sa sarili ko." nagiba ang mata ni Theo. Parang naaawa siya sa akin. Di ko mabasa ang reaksyon niya.

"Wendell kumalma ka. Alam kong mali yung pakikitungo ko sayo sa school pero dito hindi naman kaya—"

"Kasi nga takot ka na malaman nila na nagkakasama pa din tayo at naguusap dito sa iisang dorm. At ang buong akala pa nila matagal mo na akong tinanggal sa buhay mo"

"Takot lang naman ako na malaman ni Loren na magkasama tayo dito sa dorm lalo na yung mga kaklase natin. Baka ano pang isipin nila sa atin"

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Oo nga pala no, bakla pala ako. At baka isipin ng girlfriend mo pati na ng mga tropa mo na baka ginagapang kita gabi gabi. At nagpapakasasa ako dyan sa katawan mo"

"No Wendell hindi ganon, wag mong isipin yan" hinawakan ni Theo ang balikat ko. Mabilis ko naman itong inalis.

"Bakit? Diba ganon naman ang iniisip nila sa akin. Saka wala ka naman paki diba sa nararamdaman ko"

Humiga ako sa kama at tinalikuran ko siya. Pinigilan ko ang sarili ko na wag maiyak.

Naramdaman kong umupo sa kama ko si Theo.

"Please Wendell yan ang wag na wag mong iisipin. Kahit na ayaw sayo ng iba andito pa din naman ako" huminto siya sandali at muling nagsalita.

"Gusto ko lang naman malaman kung bakit mo kasama si Axel kanina. Saan ba kayo nagpunta" iba ang boses ni Theo. Di ko alam kung malungkot siya o hindi.

"Alam mo bang lagi kitang binabantayan ng mga mata ko sa loob ng room. Lagi kitang tinitignan kong ayos kaba. At wag mo sanang isipin na wala na akong paki sayo. Kung alam mo lang din sana na gusto kitang tulungan kapag binabastos ka nila kaso may pumipigil lang sa loob ko" bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Napakagat ako sa labi.

Pakiramdam ko tumataas ang dugo ko papunta sa mukha ko.

Mukhang trip niya nanaman ata ako, hinding hindi na ako magpapaloko sa kanya.

"Sige na matulog ka na may pasok pa tayo bukas" kinumutan niya ako.

"Nga pala ayoko din na sumasama ka sa kahit na kaninong lalaki lalong lalo na kay Axel. Masakit sa mata kapag nakikita kitang may kasamang iba"

King Of My Heart Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang