CHAPTER 17

110 9 1
                                    


Tinakpan ko ang bibig sa aking nasaksihan. Di ako makapaniwala sa nangyayaring eksena.

May relasyon ba si Sharmaine at Axel? Tanong ko sa isip.

Muli akong sumilip sa tinataguan ko. Napamura ako ng tatlong beses sa utak dahil naghahalikan na sila. Napailing nalang ako at mabilis na umalis sa kinatatayuan. Uuwi nalang akong mag-isa, hindi ko na mahihintay si Axel.

Nakalabas na ako sa gate ng university ng magvibrate ang phone ko. Napakagat ako sa labi dahil tumatawag si Axel. Di ko nalang ito sinagot at nagpatuloy sa paglakad.

Pagdating ko sa dorm nahiga ako at pinikit ang mga mata. Masyadong maraming nangyari ngayong araw, kaya napagod ang katawang lupa ko.

Wala pang limang minuto akong nakahiga ng makarinig ako ng kaluskos sa kusina. Napabangon ako at pinakiramdaman kung tama ba ako ng dinig o dahil lang sa pagod ako ngayon kaya nakakarinig ako ng kung ano-ano.

Kinuha ko ang payong at dahan dahang humakbang papuntang kusina. Bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdamang hindi nga ako nag-iisa dito sa dorm. May anino ng kung sino ang nakatayo malapit sa lababo kaya mas lalo akong kinabahan, namumuo na din ang pawis sa noo ko.

Alam kong hindi yon multo kasi sumisipol siya. Baka naman magnanakaw, pero nilakasan ko nalang ang loob ko para lapitan ito.

"If you strike me back, don't do it. Masakit yan" napahinto ako sa sinabi niya. Kilala ko ang boses na iyon.

Tinusok ko ng payong yung likod niya at humarap naman siya sa akin na ngiting ngiti.

"Surprise!"

"WTH! Why are you here?!" gulat na gulat kong sabi ng makita ko ang pagmumukha ni JK.

"Hello! I'm your new roommate, nice to meet you" natatawa niyang saad.

"Ano ngang ginagawa mo dito? At bakit hindi ka pumasok kanina" seryoso kong tanong.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Naglipat pa po kasi ako ng mga gamit papunta dito. Boring kasi don sa condo ko. Ako lang mag-isa kaya nandito ako para may makasama" napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Btw ano nga pala yung message mo sakin kanina?" pagtataka ko.

Kumunot ang noo ni JK sa sinabi ko.

"Kanina lang nakarating sa akin yung video na kumalat tungkol sayo. At nagalit si daddy sa kung sinong gumawa non, kaya nililinis na nila ngayon" pinisil niya ang pisngi ko. "Isa kang Buenaventura kaya di namin hahayaan na masira ang pangalan mo ng kung sino lang" diin ni JK. At bumalik sa ginagawa nito.

"Sigurado akong wala na yung video na yon at trina-track na din kung sino ang nagpakalat non. At kapag malaman ko lang kung sino yon, ako ng bahala sa kanya." umiling siya "Hindi niya kilala kung sino yung binabangga niyang tao" natakot ako sa sinabi ni JK.

Tumingin siya sa akin ng nakangiti.

"Bro, maupo ka na dyan. Malapit na itong maluto" sa takot napaupo nalang ako bigla sa sinabi niya.

Habang kumakain tinititigan ko si JK. At masasabi kong may pagkakahawig nga kami pero mas mukha siyang tao. Dahil siguro lumaki siya sa mayaman na pamilya. Samantalang ako mukhang dugyot na cute. Charizzz!

"Kailan ka raw ba pupunta sa atin. Gusto ka ng makita ni daddy" sabi niya ng mapansing nakatingin ako sa kanya. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"Hinahanda ko muna ang sarili ko bago ko harapin si daddy. Di ko kasi alam ang gagawin kapag nakita ko siya" tinapik niya ang balikat ko.

"Bro, take your time. Basta kapag ready ka na sabihan mo ako at dadalhin kita sa kanya" tumango lang ako dito. "Kumain ka ng marami dahil sayo lahat yan" dagdag niya.

King Of My Heart Where stories live. Discover now