CHAPTER 5

106 7 0
                                    


Wendell

Nagising ako ng maaga dahil may lakad kami ng mga kaibigan ko. Sila yung mga tao na di ako iniwan nung mga panahong ayaw sa akin ng lahat.

Sila din ang nagpalakas ng loob ko at nagturo sa akin na wag tanggapin nang sistema ko ang lahat ng masasamang binabato nila tungkol sa akin. At dedmahin nalang ang lahat ng bad vibes pati na yung negative energy.

"Kamusta naman kayo ni Theo? Pinapansin ka na ba niya ngayon?" tanong sa akin ni Rome at humigop ng mainit na kape.

Oo nga pala kanina bago ako umalis, maayos at malinis ang higaan ni Theo. Mukhang hindi siya umuwi kagabi sa dorm at sa tingin ko alam ko na kung nasaan siya. For sure nagmake love nanaman sila ni Loren sa bahay ng jowa niya.

"Wends? Are you okay? Parang nainis ka ng binanggit ang name ni Theo. Ayos lang naman kung ayaw mong magkwento sa amin" sabi ni Lene.

"Hindi naman. Ayos lang kami non minsan pinapansin ako tapos minsan din naman para akong hangin sa kanya."

"I see. Btw may gusto ka pa din ba sa kanya? Kahit konti lang" nakangiting tanong ni Rome.

"Syempre di naman maaalis agad agad sa puso ko yung lalaki na yon. Lagi kaya akong kinikilig kapag nasa malapit siya kaso pinipigilan ko lang"

"Mahirap yan, wag mo pigilan hayaan mo lang na kiligin ka. Ang sarap kaya magmahal no" ani Lene sabay tapik sa akin.

"Alam niyo din ba na sinisimulan ko ng huwag gustuhin si Theo. Pagod na kasi ako na lagi nalang nasasaktan. Di ko na siya kilala. Sweet siya minsan na parang candy tapos cold din naman na parang yelo. Kakaiba na ang kinikilos ni Theo" sabi ko.

Sabay sabay kaming lumingon sa pinto ng coffee shop nang may tumawag sa amin.

"Hey! Hey!" mabilis itong lumapit sa amin at naupo sa tabi ko. "Sorry I'm late" sabi ni Win.

"Lagi ka naman late, di na kami magugulat don. Sanay na kami" ani Rome.

"Sorry naman na. May chika kasi akong dala dala para sa inyo, mainit init pa ito" ani Win. Napaayos naman ng upo yung dalawa.

"Apology accepted. Go spill the tea!" sabi ni Lene.

"So ayon na nga bago ako makapunta dito. Nakasalubong ko yung isa sa mga kaklase mong pogi" tinuro ako ni Win. "Sabi niya sa akin. Nasa hospital raw yung kaklase mo dahil nabugbog at may sugat"

"Sino si Theo. Di kasi siya umuwi kagabi sa dorm namin. Anong nangyari sa kanya?" natataranta kong tanong.

"Gaga kalma! Hindi siya. Iniisip ko pa, basta A ang start ng pangalan niya."

"Sabihin mo na kasi! Paghuhulain mo pa kami" inis na sabi ni Lene.

"Si Arnold ba? Amiel? O si Athena? Allen? Abdul?" sunod sunod kong sabi sa pangalan ng mga kaklase ko na naguumpisa ang pangalan sa A.

"Wends wala dyan sa nabanggit mo"

"Bwisit ka! Pinagaabang mo pa kami sino nga yon. Sabihin mo nalang kasi" binatukan ni Rome si Win.

May hindi pa ba ako nababanggit na pangalan. Oo meron pa kaso ayoko lang sabihin kasi baka nga siya yong nasa hospital ngayon.

King Of My Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon