CHAPTER 19

89 5 0
                                    


Huminto ako sa harap ni Genisis, ngumiti naman ito ng magtama ang mga mata namin.

"Anong ginagawa mo dito?" pagtataka ko.

Magsasalita na sana siya kaso nahinto ng tumabi sa akin si JK.

"Kilala mo ba siya?" sumagot naman ako sa kanya.

"Si Genisis nga pala kaibigan namin ni Theo, Genisis si JK kapa—" bigla naman sumingit si JK.

"Kaibigan nga pala ako ni Wendell. Masaya akong makilala ka" kinamayan ni JK si Genisis.

"Tol, ganon din ako"

"Bakit ka nga pala nandito?" ulit kong tanong kay Genisis. Tumingin siya kay JK at muling tumingin sa akin.

Nakahalata naman yung kapatid ko kaya tinapik niya ako.

"Bro, mauna na ako sa loob. Mukhang mahalaga ang sasabihin sayo ng kaibigan mo, maiwan ko na kayo" ani JK at nagpaalam din kay Genisis.

"Wends, kaya ako nandito dahil pinapunta ako ni Theo" umpisa niya ng makaalis yung kapatid ko.

"B-Bakit?" tanong ko.

Napakamot siya ng ulo bago sumagot.

"Sa linggo na kasi yung engagement party nila ni Sharmaine at sinabi niya sa akin na sabihin ko sayo na wag kang pupunta don sa party. Alam ko at alam mo na mahal ka ni Theo. Kaso ayaw ka niyang masaktan sa makikita mo don kaya kahit na anong mangyari wag na wag kang pupunta" litanya ni Genisis.

Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Maghintay ka lang para sa kanya. At kumapit ka lang dahil ginagawa na lahat ng kaibigan ko ang kaya niya para sa inyo. Maaayos din ang lahat, magtiwala ka lang" tinapik niya ang braso ko. "Tandaan mo sa panahon na magkasama na ulit kayo ni Theo, isa ako si pinaka masaya mong kaibigan"

"Salamat sa pagpapalakas ng loob ko at sa supporta sa amin ni Theo"

"Wala yon, basta lagi mong tatandaan na may solusyon ang lahat ng problema" ngumiti siya na nagpangiti din sa akin.

"Mauna na ako sayo, may pupuntahan pa ko" paalam ni Genisis at nagpasalamat ulit ako sa kanya.

Tama siya, maaayos ang lahat ng kinakaharap namin ni Theo. Umaasa din ako na sa tamang panahon muli kaming magiging masaya at hindi na mapaghihiwalay pa.

Nang makapasok sa dorm nakita kong nag-aayos ng bag si JK.

"Saan ka pupunta?" tumingin siya sa akin.

"May pinapaasekaso kasi sa akin si daddy baka gusto mong sumama"

"Hindi na, ikaw nalang. Wala naman akong alam sa pupuntahan o gagawin mo."

"Bahala ka" lumapit siya sa akin "Ano nga pala yung pinagusapan niyo nung Genisis"

"Di yon mahalaga, tungkol lang sa school works" pagsisinungaling ko.

Tumango siya. "Sige alis na muna ako,  magingat ka dito. Dalawang araw akong di makakauwi"

"Ha? Antagal naman" inis kong sabi.

"Sumama ka na kasi para makita mo na din si daddy" ani JK.

Di na niya ako pinilit, niyakap niya lang ako saglit at nagmamadaling nagpaalam sa akin. Pagkaalis niya nagluto na ako ng solo kong hapunan.

Nakaluto na ako ng may kumatok sa pinto. Baka siguro may nakalimutan si JK sabi ko sa isip. Agad ko naman binuksan at tiningnan kung sino.

Nagulat pa ako sa nakita ko.

King Of My Heart Where stories live. Discover now