CHAPTER 13

64 4 0
                                    


Mataas ang sikat ng araw pero malamig ang tumatamang hangin sa aking balat. Mag-isa akong nakaupo sa isa sa mga bench dito sa mini park ng university. Malapit na din matapos ang isang buwan at hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita ang lalaking pinakamamahal ko. Si Theo.

Gusto ko na talaga siyang makita dahil miss na miss ko na ang kanyang mainit na yakap. Nasaan ka na ba kasi Theo?

Napatigil ako sa aking pagiisip ng mag-vibrate ang phone sa bulsa ko. Kinuha ko naman agad at sinagot ang tawag.

"Lolamom, kamusta po bakit kayo napatawag?" bungad ko sa aking lola.

"Apo, kailan ka ba uuwi ng bulacan. Miss ka na kasi namin ng lolodad mo" parang maiiyak ang tono ng boses niya.

"La, siguro po sa bakasyon makakadalaw ako sa inyo. Miss na miss ko na din po kayong dalawa" nakangiti kong sagot.

"Sige apo, hihintayin ka namin dito. Lagi kang magiingat dyan. Kakain ka lagi sa oras at wag mong pabayaan ang kalusugan mo"

"Opo La, masusunod po. I love you" ang dami pa niyang bilin sa akin. At dun na din natapos ang paguusap naming dalawa.

Ang saya ko lang kasi alam kong may nagmamahal pa sa akin. Kahit  maraming tao sa paligid ko ang may ayaw sa akin. Ewan ko ba kung bakit maraming taong inggit sakin kahit na wala naman ikaiinggit sa katawan ko.

"Mr. Buenaventura go to the guidance office. Now!"

"Sir Marcus? B-Bakit po?" nagtataka kong sabi. Sumenyas lang siya na sumunod nalang ako.

Nang makapasok sa loob ng silid. Nakita kong ngiting ngiti si Sharmaine na nakaupo sa harap ng lamesa ni Sir Calixto.

"Sir bakit niyo po ako pinatawag?" nakangiti kong sabi.

"I'm very disappointed to you Mr. Buenaventura. Di ko akalain na magagawa mo ang bagay nato" panimula ng panot at pandak naming guidance counselor.

Kumunot lang ang noo ko at naging seryoso ang mukha. Dahil walang pumapasok sa isip ko na may ginawa akong masama. Di ko din alam ang dahilan kung bakit ako pinatawag dito.

"Sir? Ano po bang ginawa ko?" nagtataka ko pa din sabi.

"I know you are a good student in your section. Alam mo din na scholar ka pero bakit mo ginawa ang bagay nato"

"Sir deritsuhin niyo nalang po ako" seryoso kong sabi pero naiinis na ako. Pinagiisip pa kasi ako kung ano yung ginawa ko.

"You cheated in your quiz kaya ka nakakuha ng perfect score. Alam mo naman na ang cheating ay isa sa pinaka ayaw ko diba Mr. Buenaventura?"

"Ako? Hindi ko po magagawa yon. Pinagpuyatan ko po ang pagrereview para lang sa quiz na yan. Malabo po akong magcheat"

"See sir, sabi ko na nga ba na itatanggi niyan. Pero may proof naman ako na nagcheat talaga siya" nakangising sabi ni Sharmaine.

"Proof? Anong sinasabi mong proof?"

Iniangat ni Sir Calixto ang isang pulang bag na kilalang kilala kong sa akin.

"Nakuha namin dito sa loob ng bag mo ang answer sheet don sa quiz niyo" diin niya.

"Sir kaya siguro nakaperfect yan dahil dyan. Kaya dapat parusahan na sir. Suspension for at least one semester to one year ang dapat ibigay na parusa sa kanya" mataray na sabi ni Sharmaine.

King Of My Heart Where stories live. Discover now