Kabanata 1

64.1K 2.5K 1.2K
                                    

Kabanata 1

Holy guacamole! Shit! Shit!

Parang sasabog na nga ata ang puso ko. Nang mas lumakas ang tilian at mas lumapit ang distansya naming dalawa dahil sa kanyang paglalakad ay parang sinisilihang hinawakan ko ang kamay ni Eunice sabay hila no'n at tayo.

"Ah! Parang natatae ako!" I said loudly, hindi man lang pinakinggan ang saloobin ng kaibigan at mabilis siyang hinila paalis at palayo, walang pakialam kung madapa pa.

Hindi ko na pinansin ang nag-iingay na quadrangle. Ni hindi ko nan ga sinilip si Mindy sa sobrang kahihiyan sa nangyari at parang laruan kung hinatak si Eunice papunta sa kung saan.

"Rev..." she called, "saan tayo...Revelia!" sigaw na niya sa pangalan ko pero 'di ko na pinansin.

Gusto ko na lang makaalis dito! Maglaho! Maging abo! Kainin ng lupa! Mamatay!

Hindi ko alam saan na kami inabot. Basta na lang akong bumitaw sa kaibigan sabay takip sa mukha at sigaw ng walang tunog.

"Nakita mo mukha ni Vice?" ang tawa na halatang lalabas na ang bituka ni Eunice ang narinig ko. "Namumutla! Pahiyang-pahiya si gaga and nakita mo ba si Pres.?! Natawa ko sa reaksyon niya—"

"Shhh!" tinanggal ko ang palad sa mukha sabay angat ng kamay para mapatahimik si Eunice sa kakadaldal.

Tinikom naman niya kaagad din ang bibig at tinitigan ako.

"Oh?"

"Sino..." bumuntonghininga ako, "sinong lapastangan ang nagsulat ng gano'n, Eunice?"

"Ah? 'Yong sa letter? S'yempre sino pa ba? Edi si Junard at Jeri, pangit kapag ako. Kakilig 'no? Parang ako 'yong na-fall! Dapat lalaki talaga kasi magsusulat kaya sila pinagawa ko—"

"Walang-hiya kayong tatlo! Mga traydor!" Hinila ko ang buhok niya at sumigaw. Napasigaw din siya sa gulat at hinila ang kamay ko paalis.

"Ang rebond ko, Revelia!" sigaw niya pabalik sabay hatak din ng buhok ko.

Wala akong pakialam sa akin. Pugad naman na iyan ng lawin kaya advantage ko dahil walang masisira eh, ang kanya? Bagong rebond, wala pang ligo at siguradong lasang balakubak kagaya ng natikman ko kanina!

"Hoy! Hoy! Bakit kayo na ang nagsasabunutan d'yan!" kung hindi pa dumating ang dalawang lapastangan ay 'di pa kami maghihiwalay. Hinila ni Jeremiah si Eunice habang si Junard naman ang sa akin.

Hinawakan niya ang baywang ko para hilahin ako palayo.

"Pareng Rev bakit si Eunice ang sinasabunutan mo—" sinapak ko na siya. "Putang—"

"Ano, ha? Minumura mo ako, Junard?!" inamabahan ko ulit siya ng sapak kaya dali-dali siyang umatras mula sa akin.

"Joke, joke lang, Boss Revel!" sigaw niya, natatakot sa kamao ko.

"Tama na 'yan!" sinubukan pang mag-inarte at makisali ni Jeri pero nang makita ang matalim kong tingin ay biglang umiling.

"Joke lang, boss. Ayaw ko namang makipag-away." Sabay iling-iling niya pero nakatanggap lang siya ng batok kay Eunice.

"Tanga talaga nito, sabi ko ipagtanggol mo 'ko kay Revelia, ikaw pa 'tong...naku, tuktukan kita, eh!" siya na ang kumaltok kay Jeri para sa akin kaya humalukipkip ako at sumimangot sa kanilang tatlo.

"Hoy, kayong tatlo. Anong ginawa n'yo?"

The three idiots looked at me. Tila mga inosente. Si Eunice ay nakabusangot at sinusuklay ang buhok niyang rebounded at ang dalawa'y pasipol-sipol.

"Sagutin n'yo 'ko!" pinalo ko ang sirang lamesang kahoy sa harapan ko kaya nagsitalunan sila.

"Hindi ko kasalanan, ah!" biglang entrada ni Eunice, "sinunod lang namin ang suggestion nitong lalaking 'to! Tinulungan ka na nga namin tapos momolestiyahin mo ang buhok ko—"

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon