Kabanata 25

46.2K 2K 1.1K
                                    

Kabanata 25

"Ikaw pala, boss! Akala ko aswang!" napatakip pa ng bibig ang gagong Junard pagkakita sa akin.

"Ano na naman?" sa inis ko'y ibinalik ko ang shades sa mga mata pero hinila niya lang iyon pabalik at tinuro ang mata ko. 

"May eye bags ka!"

"Malamang, nagpuyat ako!" hinawi ko ang kamay niya, "may ginagawa akong plano!"

"Ows," sumipol siya. "Plano ba talaga o..."

"O ano?" matalim ko siyang tinitigan, "o ano? O ano?" hamon ko, ready nang mag-aya ng wrestling isang maling komento niya lang.

He gulped and scratched his nape, "o...saang parte ng Carig ka nag-duty sa pang-aaswang?" palusot pa niya.

Ngumiwi ako at sinapak ang balikat niya, "anong pinunta mo rito, Junard? 'Di ba, may P.E. class kang tinuturuan? Anong tinuturo mo sa mga bata? Baka mamaya kagaguhan tinuturo mo ro'n, ah?"

Madrama niyang sinapo ang dibdib, "grabe, wala ka bang tiwala sa 'kin, boss?! Kung alam mo lang, ako ang paboritong teacher ng mga bata sa buong CSU? Madalang lang ang mga estudyanteng uma-absent sa akin, 'no!"

"S'yempre, sabi mo kapag complete attendance uno na kaagad," nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ang pamilyar na teaching assistant ni Montezides.

Sumikip ang dibdib ko. Tumikhim ako.

"Good morning,"

"Good morning po, Architect," mahinhin siyang ngumiti, "atsaka Sir..."

Binalikan ko ng tingin si Junard at mukhang magkakilala sila pero ang huli ay malamig at seryoso lang ang mukha.

"Hoy, good morning daw," sabi ko sa kaibigan at siniko siya.

I saw him making faces before frowning and nodded his head briefly, "morning,"

Suminghap ang babae.

"B-binati mo 'ko ng good morning pabalik?!" biglang nabuhay ang boses niya, nawala ang hiya at sa muling pagbaling ko sa kaibigan ay nakasimangot na siya.

"Ewan ko sa 'yo, bakit? 'Di mo narinig? Bingi ka ba?" sagot niya.

Binalingan ko ang babae. Namumula na siya at nagniningning ang mata.

Anong nangyayari?

Si Junard ay nakasimangot. Ang babae ay malambing na nakangiti at doon na may bombilyang umilaw sa ulo ko. Napahawak ako sa baba ko.

"Are you two—"

"Hindi!" ani Junard.

"Oo!" masayang sabi ng babae sabay ngisi.

Namaywang ako, "ano ba talaga? Magkakilala kayo? Friends? M.U.? Mag-jowa?" sabay baling ko kay Junard.

"Hindi, 'no," umiling siya sa 'kin. Pinanliitan ko ng mata. "Hindi nga, boss! Teka..." bumaling siya sa orasan. "May klase pa 'ko, bye!" sabay kaway niya at iwan sa 'min doon.

I watched my friend fading from the distance. Nagmamadali pa siyang umalis hanggang sa maglaho at doon ko na binalingan ang babae.

"Are you friends with Junard..."

"Jera po, Architect! Nice meeting you!" sabay lahad niya ng kamay sa 'kin.

"Nice meeting you, too, Jera," tinanggap ko ang kamay niya. "Close ba kayo ni Junard?"

"Ay, hindi po," tumikhim siya, "nililigawan ko si Junard."

"Ano?!" nahulog ang panga ko. "'Te, okay ka lang?"

Rebel Heartsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن