Kabanata 16

38.3K 1.8K 766
                                    

Kabanata 16

Ipinikit ko ang mata at napahakbang paatras, mas nanlalabo ang paningin. Tumatawa sila pero hindi ko na marinig sa panic na nararamdaman ko.

May kumalabog kung saan at narinig ko ang malakas na tawag nila sa pangalan ni Damon pero nangangatog lang ako at nanginginig.

"Look here! Picture, Miss Secretary!" nasilaw ako sa biglaang flash na tumama sa mukha ko.

"Ano ba?! Ibaba mo nga 'yan!" nagulat ako sa paglitaw ni Eunice sa harapan ko at paghawi niya sa kamay ng babaeng may hawak ng phone, dahilan kaya nahulog iyon.

May humawak sa braso ko pero ang tingin ko ay nanatili kay Eunice na taas noong nakatayo sa harapan ng babae.

"Ano ba?!" sigaw niya, "paano kung nabasag 'yon?!"

"Paki ko? Magpasalamat ka't phone mo ang binasag ko at at 'di 'yang mukha mo!" sigaw niya pabalik.

"Boss! Tara!" napabaling ako sa likod ko't mas nangilid ang luha nang makita si Junard at Jeremiah na hinahawakan ako, tila nag-aayang umalis.

"Ako na kay Eunice! Una na kayo!" ani Jere at 'di na ako nakatanggi nang hinila ako ni Junard papalabas ng venue.

Naririndi ako, narinig ko ang tawag ng pamilyar na boses sa pangalan ko pero wala na ako sa wisyo nang hatakin ako palabas ni Junard. Pagkalabas naming dalawa ay maya-maya'y nakasunod na si Jere at ang sumisigaw na si Eunice ay nasa balikat niya.

"Tang ina n'yo, babasagin ko mga mukha n'yong mga—"

"Eunice!" singhal ni Jere, "aayos ka o ihuhulog kita?!"

"Ano?!" pumiglas siya, "may sinasabi ka—"

"Ang bigat mo! Mapipigtas na ang braso ko! Isang galaw mo pa, mapuputol na ako!" kumunot ang noo ni Jere at mas binilisan ang lakad.

"Dito!" kumaway si Junard sa may pader kung saan kami nakatayo at nang makita kami'y naglakad papalapit si Jere at halos ihagis na si Eunice na namumula ang mukha sa galit nang maibaba siya.

Pumilantik ang puso ko at muling nangilid ang luha nang nagmura siya't suminghal, "'di pa ako tapos, Jere! Ipa-flying kick ko pa ang gagang 'yon!"

"Umawat na nga si Pres.! Mapapa-office ka pa kapag nakisali ka!" humapdi ang dibdib ko sa narinig.

Umawat?

"Uy, si Pres.!" Ani Junard sa tabi ko sabay turo sa lalaking papalabas, "tawagin natin—"

"H'wag!" bago pa man sila makapagsalita ay hinila ko silang lahat patago sa pader. "H-h'wag kayong papakita."

"Ano?" bulong ni Eunice, "bakit? Tatanungin natin—"

"Please..." bulong ko sabay sulyap sa kanilang tatlo na puno ng pagtataka ang mga mata pero tumango nang makita ang reaksyon ko.

Sinilip ko si Damon na iniikot ang tingin, tensyonado ang katawan at ang paraan ng eksaheradong pagsuklay niya sa buhok ay halos makumbinse na ako.

Ang galing-galing mong umarte, Montezides.

Mabilis akong nagtago nang matantong babaling na siya sa pwesto ko at ilang Segundo ang pinalipas bago muling sumilip at nakita siyang may sinipang kung ano bago nagmamadaling pumasok sa loob.

"Wala na..." ani Junard sa tabi ko kaya napasandal ako sa pader at unti-unting napaupo nang mawalan ng lakas ang nangangatog na hita.

"Boss!" inilagay sa akin ni Junard ang coat niya at itinungo ko ang ulo, hiyang-hiya. "Ayos ka lang?"

"S-salamat," bulong ko at hinawakan ang coat niya sa balikat ko.

"Anong nangyari?" si Eunice na 'di matahimik ay naglakad pabalik-pabalik sa harapan ko, "Revelia!"

Rebel HeartsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz