Kabanata 18

46.4K 2.2K 1.2K
                                    

Kabanata 18

Hindi pala ako nakapagbayad ng pamasahe!

Iritado kong sinubo ang ulam at tahimik na sumigaw sa ulo.

Ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa 'to!

Ano, Revelia, masyadong nasiyahan sa emote? Drama 'yan? Telenovela? Baka p'wede na 'ko mag-audition sa Tween Hearts kapag babalik 'yong palabas?

Si Joshua Dionisio crush ko ro'n, eh. Makapag-audition nga! Tapos partner kami!

Pero baka siya na nagbayad, aba't siya ang namilit na makisabay! Dapat libre niya 'ko! Pero bakit ako papalibre, close ba kami?

"Anak, ayos ka lang?" kumurap-kurap ako at sumulyap kay Mama.

"Ah, opo," tumango ako.

"Oh?" tumaas ang kilay niya, "eh, wala nang laman ang kutsara mo subo ka nang subo."

Natigilan ako. Ibinaba ang tingin sa kutsara at natauhan ngang walang laman na ang kutsara ko.

"Dinidilaan ko lang 'yong tirang ulam, Ma!" palusot ko sabay tikim sa kutsara.

"Uh-hmm, eh, sabaw ang ulam natin anong natira sa kutsara mo?"

Umawang ang labi ko at nahulog ang kutsara mula sa bibig. Tumawa si Mama.

"Ano? Brokenhearted?"

"Mama!" daing ko sabay kuha ng nahulog na kutsara at tabi sa gilid ng plato ko. "Wala, anong brokenhearted? Wala naman akong gusto?"

"Oh?" ngumuso siya, "si Damon? Akala ko ba—"

"Hindi ko 'yon crush, Ma," pigil ko agad at umiling. "Biruan lang sa 'min no'ng 3rd year. 4th year na kami, 'di na isip-bata."

Tumawa siya, "talaga?" sumandal pa siya sa upuan. "Eh, bakit nakakunot ang noo mo? Bakit namumula ka?"

"Mainit kasi," pinaypayan ko ang mukha. "Kailangan na natin magpayaman, Ma, para may aircon na rito. Sensitive kasi balat ko sa init, mabilis mamula."

Pero tinawanan niya lang ako ulit. Sinimangutan ko tuloy.

"Tawang-tawa, Ma?" humalukipkip ako. "Mukha ba 'kong joke?"

Pero tumawa lang siya nang mas malakas sa akin.

"Pasensya na, Princess," aniya, umangil na ako. "Natatawa kasi 'ko kapag ganyan ka, 'di ko maseryoso."

"Mama naman! Minsan talaga napapaisip ako kung anak mo ba talaga 'ko o ampon lang!"

Umayos siya ng upo at nawala ang ngiti sa mukha, "paano mo nalaman, Revelia?"

Napaawang ang labi ko at nahulog ang balikat. Mabilis na kumalabog ang puso ko.

"M-Ma," tawag ko. "Seryoso?"

Suminghap siya at napainom ng tubig, iniiwas ang tingin.

"Ma," tawag ko, kinakabahan na talaga. "Seryoso? 'Di ako nakikipagbiruan!"

"Hindi ko pa dapat sasabihin sa 'yo," mahinang sabi niya. Nanigas ako sa kinauupuan. "Balak kong kapag eighteen ka na pero..."

"Ma..." humigpit ang hawak ko sa table cloth. "Anong...anong ibig mong sabihin? Na, hindi ikaw ang Mama ko? Na...'di totoong ang Papa ko 'yong sea man na naging shokoy na kasi 'di na nakabalik sa lupa?"

Hindi siya umimik agad at umiling.

"Ma..." desperada kong sabi, lalabas na ang puso sa ribs.

"Sorry, 'di ko nasabi sa 'yo, anak." Ang malungkot niyang mata ang nasalubong ko. "Pero ang totoo n'yan, napulot lang talaga kita sa basurahan."

Rebel HeartsWhere stories live. Discover now