Kabanata 28 (Part Two)

38.9K 1.8K 714
                                    

Kabanata 28 (Part Two)

"Sorry, natutulog pa, alam mo na...pagod."

"I see," I nodded. My stomach tightened but I maintained my straight face.

"Do...you want me to call him?" she asked sweetly, her eyes twinkling mischievously.

Umiling ako at unti-unting umatras, "nothing important, dumaan lang ako para dito. Pakibigay na lang sana, pinakisuyuan niya lang ako kapag makakadaan. Masama ata ang pakiramdam kagabi."

She eyed the paper bag, her jaw tightened but took it, anyway.

"Thanks," she smiled. "I'll let him know."

Tumango ako at umatras pero muli niya akong tinawag, "Revelia!"

I looked at her.

"Nice meeting you," she tilted her head. "You changed a lot. I'll see you around, hmm? I'm sure you will, as Damon's girlfriend."

I scoffed inside but gave her a small shrug.

"Regards, Mindy," I answered. "And it's not nice meeting you."

Her mouth parted dramatically, not expecting my answer. I smirked as I shifted my body and walked away.

Pumara ako ng taxi at sa pagsakay ay napawi ang ngiti ko, kasabay nang pag-andar ay ang paghulog ng basa sa pisngi ko.

Girlfriend...

Bakit pa ba ako nagulat? They're together and what? You really assumed he likes you? Na lahat ng ipinakita niya sa 'yo ay totoo?

Is this another game? Hindi pa ba kami natapos no'ng high school? At ang mga kaibigan ko, dinamay din nila?

Why didn't I think of this? I never questioned where Mindy was at kung 'di pa ako pumunta rito, I don't think I'll find out this is happening.

She's beautiful. Maganda na siya noon ay mas pa ngayon. I'm sure she has a body to die for. Maputi. Mayaman at paniguradong successful. Ano bang laban ko, huh?

Na totoo ang sinabi niya?

I squinted my eyes closed and touched my aching chest.

He lied...that's what's painful. Sinasabi kong mag-iisip pa 'ko kung bibigyan ko siya ng t'yansa pero una pa lang ay 'yon na ang balak ko. 'Di na kailangan ng pag-iisip.

For the second time, I let myself be vulnerable. For the second time, he broke my rebel heart. And I don't know if this could be fix again.

Exhaustion filled my senses. I just wanted to lie on my bed and cry.

"Saan tayo, Miss?" ani ng driver.

"Home," I mumbled and closed my eyes.

May malungkot na theme song ang pumailanlang sa ulo ko. Saktong may nahulog pang ambon sa salamin sa bintana ng taxi pagmulat ko kaya mas bumigat ang dibdib.

Main character moment na naman. Ganito 'yon sa Wattpad, eh—

"Miss, baliw ka ba?" the sad melody vanished and shocked, I looked at the driver.

"Po?"

"'Di naman kita kilala, anong address? Aba, malay ko ba saan ang bahay mo?!"

Parang tangang napabughalit ako ng tawa kasabay ng paghulog ng luha sa mga mata ko.

"Anak ng...may saltik nga!" ani ng driver habang iyak-tawa ako sa likod.

Tanga, Revelia. Nasa real world ka!

Nagpahatid na lang ako sa school. Maaga pa kaya tumambay ako sa banyo para mag-ayos ng itsura at namumugto ang mga mata ko. The weather wasn't that good pero sapat na 'yon para 'di matigil ang trabaho.

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon