Kabanata 17

41.4K 2K 808
                                    

Happy Halloween! Let's not forget to offer a quick prayer and lit a candle for our love ones! And yes, finally, MaMon is back!!! Sorry for the slow updates, orasyunan natin na sana bumilis na ulit this November HAHA!

Anyway, I have a book signing this Nov. 5, 2022 (Saturday 4-5PM) at National Bookstore Trinoma for NBS Book Caravan (Bliss Books)! You can have your Hot Bachelors Series signed! And Nov. 6, 2022 (Sunday-10:00 AM – 5:00 PM) at Valenzuela People's Park for PSICOM's Grand Fans Day! You can have you Taming My Billionaire and Paper Hearts books signed! See you!

--

Kabanata 17

Binabawi ko na, hindi ko na pala gusto rito.

Pilit kong hindi binabalingan ang paligid habang nagsasalita si Ma'am Aquino at nagtatalo ang mga kaklase sa isasama nila sa nomination ng class officers.

Para raw give chance to others ay hindi p'wedeng ma-nominate ang officers ng SSG kaya ligtas ako sa kung ano mang gulo nila sa classroom. Ang kaso nga lang ay 'di ko maiwasang 'di isipin ang tingin—titig na nakukuha ko mula sa likod ng classroom.

Habang nagsasabi sila ng mga pambato nila ay diretso lang ang tingin ko, humihigpit ang hawak sa chalk habang nagsusulat.

Inilibot ko ang tingin para maghanap pa ng pamilyar na mga mukha at hindi sinasadyang nagkatinginan kami ni Damon.

Oo, hindi sadya! Alangan namang tignan ko siya dahil gusto ko, 'di ba?

Kinamot ko ang kamay ko nang mangati at bumaba ang tingin doon ni Damon bago muling bumaling sa akin, kunot ang noo. Umayos ako ng tayo sabay baba ng kamay na kumakamot at baling sa black board para isulat ang binilang ng kaklase na bumoto sa candidate sa Treasurer.

"Sixteen kay Jack, Revel," ani ng kaklase na isinulat ko rin sa board para sa tally.

Tumango ako, tinutuon ang tingin sa board kahit na nakita ko sa peripheral vision na may matangkad na naglakad papuntang harapan. Pasimple akong sumulyap at nakitang kinakausap ni Damon si Ma'am Aquino.

Tinuro niya ang labas at napasulyap sa akin si Ma'am Aquino bago ngumuso at nagpigil ng ngiti. Nagtaka ako. Tumango siya kay Damon bago tinapik ang balikat nito bago hinayaang lumabas.

Nagkatinginan kami ni Ma'am, nagkakagulo ang classroom sa gusto nilang isunod na i-nominate nang lumapit siya sa akin.

"You should wait a bit, Miss Santo,"

"Po?" takang tanong ko.

"You can write down the officer positions first and wait until Mr.—" may kumatok sa classroom kaya napabaling kami ro'n.

"Ma'am Aquino, good morning po, pa-excuse daw po muna kay Dean saglit," ani ng estudyante kaya 'di niya natuloy ang sinasabi sa 'kin at sumama roon pagkatapos sabihan ang klaseng babalik siya kaagad.

Naiwan tuloy ako ro'n sa loob na nakatayo sa gitna habang abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan at asaran sa mga kaibigan. Nahuli pa ng tingin ko si Mindy na nakatitig sa notebook niya't nagsusulat habang nagkikwento si Shine.

Doon ko rin napansing katabi ng huli si Bunak at nang magsalubong ang tingin naming dalawa ay inangasan ko siya ng tingin.

Wala akong sinasabi pero alam kong ang tingin ko pa lang ay nagsasabi na ng "Oh? Tinitingin mo? Gusto mo sapakan?" kaya tila natatakot siyang nag-iwas ng tingin at nagkukumahog na nagbuklat ng notebook niya.

Tss... ang payatot na 'to! Swerte nga niya at pinatulan pa siya ni Eunice tapos lolokohin niya rin?! Kung hilahin ko kaya ang brace nito paalis?!

Lumabi ako, bumaling sa board at isinulat ang ibang position para sa officers, natitigil kada segundo kapag nangangati ang palad.

Rebel HeartsWhere stories live. Discover now