Kabanata 12

45.8K 2.1K 1K
                                    

Hi, Archers! If ever you are curious about the origin of Sandejas Family, you can check out the episode two of my podcast! You can check Heartlessnostalgia Files: Behind the Notes on Spotify for free! Or for easy access, click the Spotify icon beside the comment section.

--

Kabanata 12

Hahalikan daw kapag hindi pa rin kilala? Bumaba ang tingin ko sa labi niya at ano pa ba ang gagawin ng isang palaban na Maria Revelia D. Santo?

S'yempre...nagpanggap akong tanga.

"Huh?" tanong ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya't mas lumapit sa akin. Dumagundong ang dibdib ko kasabay nang pakiramdam na tila may humahalukay sa sikmura ko.

Ipinatong ni Dame ang braso niya sa gilid ng hita ko, "playing dumb again, love?"

Lumunok ako at napatitig sa labi niyang mas papalapit.

"Dumb? Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?" tanong ko, ang atensyon ay nasa mukha niya pa ring papalapit sa akin.

Muling nagtama ang tungki ng ilong namin at automatic na nahulog ang talukap ng mga mata ko.

Ayan na, ayan na! Ang halik ko nand'yan na!

Naramdaman ko ang mabilis at mainit na dampi ng kung anong malambot sa pisngi ko kasabay ng hawak sa kamay ko.

"Come on, it's lunch. Let's eat,"

Mabilis akong napamulat at umawang ang labi.

Saan ang kiss ko?!

Lumabi ako nang inilahad niya sa 'kin ang likod. Hindi ako kumapit doon.

"Sulking again?" nilingon niya ako, may tinatagong ngiti.

"Hindi, ano. Ano ako, bata?" nangunot ang noo ko. "At anong gagawin ko d'yan sa likod mo? Flex mo lang kasi may muscles ka?"

"Come on, hop in," hinila niya akong palapit. "I'll take you to the floating cottage."

Nang 'di ako gumalaw ay binasa niya ang labi at tinagilid ang ulo, "are you sulking because of the kiss? Because I'd let you have a taste if that's what it takes—"

"A-ang kapal mo! Akala mo ba sabik ako d'yan sa labi mo?! Si Harry Styles ka ba?" tinulak ko siya sabay sampa sa likod niya. Tumawa siya at humawak sa hita ko para ayusin ako sa kanyang likod.

"Nope, Maria," sagot niya. "But I'm your president Montezides and I can do everything. Want me to sing What Makes You Beautiful?"

Namilog ang mata ko, "naks, nagre-research! Ganyan ka kapatay na patay sa 'kin, Pres.?" walang-hiya kong tanong. Kagaguhan lang.

Tumigil siya saglit sa paglalakad para sa aming dalawa bago ako nilingon mula sa balikat niya.

"Is it too obvious?"

Natigilan ako at hindi ko alam kung bakit pero sa sobrang panic ko ay napatalon ako at nadulas sa likod niya. Naitukod ko ang kamay ko sa ulo niya kaya lumubog kami at muntik nang malunod na dalawa.

"Fuck, Revelia! Stop thrashing!" sigaw niya at pinirmi ako pero sa panic ay natulak ko ang ulo niya pabalik sa tubig para lang 'di lumubog.

"Gago ka, Montezides!" sigaw ko habang nagdedeliryo na at nakikita si San Pedro na inilalahad ang puting hagdanan sa 'kin paakyat.

Nakaligtas lang kami sa tulong nina Jere at Junard nang nakita nila kaming naglulunuran na ni Montezides sa tubig. Nakabalik kami sa may batuhan na namumutla ako at siya na parang na-trauma ata sa nangyari.

Minata ko siya habang kumakain kami ng bangus, nasa tabi si Mindy na gusto pa atang magpahimay. Minata niya rin ako pabalik nang naglapag ng soft drinks si Bryan sa tabi ng plato ko.

Rebel HeartsWhere stories live. Discover now