Kabanata 13

43.3K 2K 927
                                    

Hi, Archers! Sorry it took a while! But here it is! Posted na rin ang new podcast featuring The Sandejas Family sa Spotify! Check it out!

--

Kabanata 13

Nakita ko ang bakas ni Doraemon.

Oh my God? Saan ang holy water?! Saan?!

Pinagalitan kami sa ingay at magsasara na nga ang library nag-iingay pa pero nang makita ng librarian na nasa lapag si Dame ay nanahimik at nasapo ang bibig niya.

"Mr. Montezides!" tawag niya.

Nang akmang sisilipin niya si Dame ay tumayo ako sabay harang sa huli na natulala pang napunit ang slacks niya.

"Marupok na ang upuan n'yo dito, Ma'am," sinabi ko sabay senyas kay Dame sa likod na tumayo siya. Inilahad ko ang kamay sa huli na tinatago ko sa likod at inabot niya 'yon para tumayo.

Naramdaman ko ang dibdib niya sa likod ko at alam kong ayaw niyang makita siyang gano'n kaya hinayaan ko na.

"I'm sorry, Ma'am," pormal niyang sabi. "Nasira ata 'yong upuan. My apologies, I'll replace it—"

"Ay, h'wag na!" umiling ang huli. "Naku at marupok kasi na talaga ang paa ng mga upuan dito! Pasensya na, nasaktan ka pa ata! Hindi bale, hayaan mo na."

Naaawa pa ang tingin niya kay Dame samantalang ako'y nagpipigil ng tawa at pamumula ng mukha.

"Sige at maiwan ko na kayo ng..." bumaling siya sa akin at kumunot ang noo, "secretary mo."

"Thank you, Ma'am," aniya. "My apologies for the noise and commotion again."

Nang umalis siya at katahimikan na naman ang namutawi sa amin ni Dame. Sinakop ko ang gamit ko papasok sa bag at naglakad. Sumunod siya sa akin—nagtatago pala sa likod ko at walang imikang naganap hanggang sa makalabas na kami at medyo makalayo sa library.

Pinigilan kong magkomento pero 'di rin kinaya.

"Nasaan na si Nobita?" tanong ko.

"Damn it," bulong niya pabalik at nang nilingon ko siya'y napabughalit na ng tawa sa pula ng mukha niya.

Nag-echo ang boses ko sa walang taong hallway. Nag-iinit pa ang pisngi ko nang inabot ni Damon ang pulsuhan ko at hinila ako papunta sa may locker room.

Nakapasok kami ro'n at kaagad siyang tumungo sa akin.

"It's not..." medyo madilim dahil mag-gagabi na pero natatamaan pa rin ng dim na ilaw ng pasilyo ang kanyang mukha. "It's not what you think it is, Maria."

"Oh? Maria na ako, ah?" nanliit ang mata ko, pinipigilan ang bughalit ng tawa muli. "Paanong it's not what I think it is, eh, kitang-kita ko si Doraemon—"

"I had no choice!" putol niya sa 'kin, hiyang-hiya ang mukha. "My damn brothers wore my fucking boxers and..."

"And...?" ngumisi ako.

"Ako 'yong nawalan," tumikhim siya, namumula. "Nagrereklamo nga 'ko kanina but Mom said... I should wear this instead. It's not like someone will see it."

"Ay, true! Wala namang makakakita, 'di ba?" mas lumapad ang ngisi ko nang magmura siyang paulit-ulit at inangat ang palad sa itaas ng ulo ko.

"Damn it," mura niya. "I knew I should've trusted my damn instinct something bad will happen today."

Pumikit siya, dahil nga bahagyang nakatungo sa akin ay amoy na amoy ko ang pamilyar na pabango. Hindi na masyadong natatamaan ng ilaw ang kanyang mukha at hindi ko rin maiwasang purihin na kahit anino na lang halos ng kanyang ekspresyon ang nakikita ay sobrang gwapo pa rin niya sa paningin ko.

Rebel HeartsWhere stories live. Discover now