Kabanata 3

46.7K 2.1K 1K
                                    

Kabanata 3

Nasa akin ang huling halakhak.

Hinagis ko ang bag ko kay president na malamig ang tingin sa akin. Kunot ang noo niya habang pinapanuod akong nakangiti sa kanya.

Nandito kami ngayon sa likod ng building pagkatapos ng acrobatic stunt niya sa hagdan kanina. Diring-diri ako sa bubble gum sa bibig ko kaya naghilamos at s'yempre, dinala ko ang salarin!

Ayaw nga sumama kanina pero pinilit ko o ipagkakalat ko ang nakita at wala naman siyang nagawa. Kung 'di lang siguro 'ko babae baka nasapak na ako sa busangot ng mukha niya ngayon.

"Maghihilamos ako! Kadiri!" deklara ko pa sabay lakad sa may banyo sa cafeteria pero iritadong hinawakan niya ang siko ko sabay hila sa akin. "Ano?"

"H'wag d'yan," kumunot ang noo. "There's a bathroom and a clean faucet at the back."

Natigilan ako. Nilingon niya ako nang maramdaman hindi na 'ko sumabay sa kanya.

Nilakihan ko ang mata, unti-unting napatakip sa bibig at madramang suminghap.

"Grabe ka, pres.," bulong ko. "Advance ka naman masyado! Walang pang ligawan! Gusto mo na agad maghalikan?"

Bumagsak ang balikat niya.

"Damn it," napapikit siya at binitawan ang siko ko. Sinuklay niya ang buhok, mukhang frustrated at umigting ang panga sabay hugot ng malalim na hininga at titig sa akin.

"Ganda ba, pres.?" ngumiti ako.

Pagod siyang tumitig sa akin. Pero gwapong pagod. Kapag ako kasi pagod, pagod lang talaga.

"That's it, I'm leaving," sabay talikod niya at lakad papalayo. Nalaglag ang panga ko.

"President!" sigaw ko. Napalingon sa amin ang iilang estudyanteng naglalakad at nagbulungan. Ngumisi ako.

Ayan ang gusto ko! Issue!

"President!" inarte ko sabay sunod sa kanya.

"Don't follow me and go home, Maria," he spat.

Nalaglag ang panga ko. Nahuli ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya nang makita ang reaksyon ko pero mabilis na nagseryoso at inayos ang salamin niya.

Ano? Anong Maria?!

"Revel ang pangalan ko!" habol ko sa kanya at pilit na tumabi kaso sa laki ng biyas ng lalaking 'to ay ang laki ng hakbang!

"Go home. I have something to do," utos niya pa.

Nakita ko sina Mindy sa may gate ng CSU, may kakwentuhang mga barkada kaya lumaki ang ngiti ko at baling kay Damon na sinundan ang tingin ko. Kinunutan niya ako ng noo, mukhang nararamdaman ang evil spirit na lalabas.

"Don't," he warned. "Go home, Revelia—"

"Love, sige na, please?" kumapit ako sa braso niya sabay kurap-kurap.

"Tang..." mas hinigpitan ko ang kapit sa braso niya at bulong.

"—ina," tinapos ko ang sasabihin niya, "ano, pres.? Sasamahan mo 'ko sa likod o pagkakalat kong nakita kitang bumalentong sa hagdan?"

"Don't you fucking dare," hinila niya braso pero napakapit ako kaya nasama lang akong dikit sa kanya.

"Ano ba, love, dahan-dahan naman," sabay hagikhik ko at sulyap kay Mindy na nakanganga sa amin. "Nasa school pa tayo, sa labas na tayo maghalikan."

Mas lumakas ang bulungan ng dumaan.

"Damn it, Maria," singhal na niya at matagumpay lang akong ngumiti nang hilahin na niya ako papunta sa likod ng building para makapaghilamos at ito ako ngayon, proud na proud sa sariling achievement.

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon