Kabanata 19

43.6K 1.8K 870
                                    

Kabanata 19

"'Te, anyare? 'Di ka natulog?" siniko ako ni Eunice pagkababa ko sa pagkakasampa sa likod ng traysikel.

"Huh?" lutang kong tanong.

"Bakit ganyan 'yang mukha mo?"

"Ano bang mayro'n sa mukha ko?" gulong tanong ko.

"Laki ng eyebags mo! Gulo-gulo pa ang buhok mo, 'yong totoo, kumain ka man lang ba?"

Tumango-tango ako at inalalang dalawa lang ang nakain kong pandesal, hindi normal dahil madalas ay lima ang nilalamon ko.

Tinitigan ako ni Eunice at namaywang, "umamin ka nga, Maria! May nangyari no'ng Biyernes, ano?!"

"Huh?! Wala!" umiling ako at halos sumabog ang init sa pisngi, "tara na nga't pumasok! Mali-late na tayo!"

Hinila ko siya papunta sa gate pero natulos lang ako nang ituro ako ng guard, "I.D. mo, Santo?"

Shit!

Kinapa ko ang leeg, natantong wala nga akong suot!

"Atsaka bakit ka naka-jogging pants sa loob ng palda? Bawal 'yan, ah?" sita niya.

Ipinaikot ko ang tingin sa gate, nagpapasalamat na wala si Montezides ngayon dito! Ang alam ko'y duty 'yon, eh! Siya ang unang O.I.C.! Walang SSG na nakatambay do'n ngayon pero ang mga estudyante ay pinagtinginan ako.

SSG officer pero hindi sumusunod sa rules! Vice President pa man din!

Napalunok tuloy ako sabay sulyap kay Eunice na pinanliitan ako ng mata.

"Ah, uwi muna 'ko!" sinabi ko sabay ngisi kay Kuya Guard, "kuha lang akong I.D.!"

"Sama ako!" ani Eunice sabay kapit sa 'kin at hila papalayo.

Mabilis ang lakad namin papunta sa may pader para umakyat nang batukan niya ako.

"Ano?!" angil ko. "Bakit ka nananakit?"

"Sabihin mo, anong nangyari!" kumunot ang noo niya sa 'kin. "H'wag kang magsisinungaling! Alam ko ang halang ng bituka mo!"

"Wala nga," tinali ko ang buhok at inayos ang jogging pants bago inihanda ang sarili paakyat sa pader.

"Wala? Eh, nagsuot ka ng jogging pants tapos wala kang I.D.!" pansin niya, "bago iyan, ilang buwan ka nang masunuring estudyante, eh. Kaya ano 'yan at nagmumukha ka na namang bulakbol?"

Isinampa ko ang sarili at walang hirap na umakyat sa pader at naupo. Nag-iinit ang mukha ko nang humarap sa kaibigan na nakatabi na sa akin pagkatapos ng ilang segundo.

"So...?" tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip kaya kinagat ko na ang labi.

Ayos lang ba kung sasabihin ko sa kanya? Nasabi ko na rin naman sa kanila no'ng nakaraan ang tungkol sa totoong nangyari sa ball kaya why not?

As if namang naaapektuhan ako, 'di ba? Hindi kaya.

Hindi.

Hindi nga sabi!

"Revelia!" napatalon ako't muntik pang mahulog sa pader. Tinaliman ko siya ng tingin. "Ano, magsasalita ka o forever na tayong uupo rito? Sasabihin mo o ihuhulog kita?"

Nanuyo ang lalamunan ko, muling bumalik sa utak ang nangyari na parang ngayon lang naganap. Malinaw na malinaw pa rin sa utak ko ang lahat.

Ang ngiti niya. Ang halik na 'yon.

"Nag-lips-to-lips kami ni President," kaswal kong sabi.

Nahulog ang panga niya't muntik nang madulas sa pagkakaupo sa pader.

Rebel HeartsWhere stories live. Discover now