Kabanata 21

39.9K 2.1K 1.5K
                                    

Kabanata 21

"Love," bulong ko.

"You're cold?" tanong niya kaagad pagkalingon sa akin. Hindi pa man ako nakakasagot ay inabot niya ang aircon sa uluhan naming sa bus at iniharap sa kanya.

"Ayos lang," habol ko nan ang makitang hinubad na niya ang jersey jacket at ipinatong sa balikat ko. "Paano ka? Ayos lang talaga 'ko, hindi naman ako lamigin."

"It's okay," ipinatong niya ang braso sa balikat ko para mas masuot ko ang jacket niya at inilapit ako sa kanyang dibdib.

Napangiti ako at sumandal sa dibdib niya, ang isang kamay ay nasa balikat ko, tila nagpoprotekta habang ang isa'y hawak ang palad ko't hinahaplos.

Ang init-init niya. Ipinikit ko ang mata ko't dinama iyon, nasisiyahan, nangangarap na sana'y h'wag nang matapos pa ang pakiramdam.

Nasa bus na kami ngayon papauwi galing retreat at magkatabi kaming dalawa sa likod. Si Eunice talaga ang katabi ko dapat pero kinalabit ako ni Alan at sinabing tabi daw kami ni Dame kaya siya ang pumalit sa 'kin at hanggang ngayon ay nag-aaway pa rin ang dalawa sa harapan ko.

"Dame," bulong kong ulit.

"Hmm?" naramdaman ko ang init ng paghinga niya sa buhok ko.

"Hindi mo ba naisipang mag-aral sa Maynila para sa college?"

Natigilan siya at saglit na 'di nakasagot bago umayos ng sandal at nag-relax.

"I have offers," aniya.

Umahon ang paghinga ko at 'di tila may bombilyang umilaw sa ulo.

"Edi...sa Maynila ka?"

"I want to," bulong niya at matutuwa na sana ako kung hindi ko lang napansin ang hesitasyon doon. "I considered it but my family's staying here. They don't mind me going in Manila to study but I'm thinking of my brothers, my mom."

Kumurap-kurap ako at humugot ng hininga, "bakit? Anong mayro'n?"

"As much as I wanted to study there, I can't leave my family with him."

Hindi ko na kailangan tanungin kung sino 'yon.

Ang dad niya ang tinutukoy niya. Nahulog ang puso ko.

"Hindi ko talaga naisip na gano'n ang nangyayari," sa halip ay sagot ko. "Kasi no'ng pumunta ako sa inyo at kasama natin ang parents mo mukha namang maayos."

"There's a big difference for what's happening in close doors," sagot niya. "Our family looked perfectly fine in other people's eyes but there's nothing ideal with it. Louis is good as a person but not as a father, not as a husband. Hindi niya man sabihin, alam kong responsibilidad niya lang kami at ang mom."

"Did he...cheat?" nagtitimbang kong tanong.

"No," umiling siya. "Ayon sa nalalaman ko hindi pero sapat na siguro ang lamig niya sa 'min para 'di maisip na wala siyang pakialam, hindi ba? He didn't know but my mother was so sad, he didn't know I'm seeing her staring at nowhere. Smiling without even a soul in her eyes. Siya ang naging nanay at tatay naming magkakapatid."

At ramdam na ramdam ko iyon. Ramdam dahil ganito ako kay mama. Ganito ang pakiramdam na nagpapasalamat at puno ng pagmamahal sa babaeng nag-iisa pero tumayong dalawang magulang sa akin.

"I wanted to grab the opportunities given but I can't leave my family, Revel," bumuntonghininga siya. "I'm the eldest, I have-I want to protect them. I want to be there when they needed me."

Kita ko ang pait, lamig at determinasyon sa mga mata niya. Mahal ko si Damon pero mas nahulog lang ako sa prinsipyo niya sa buhay, sa paniniwala niya't paninindigan.

Rebel HeartsWhere stories live. Discover now