Kabanata 10

46.7K 2.4K 1.6K
                                    

Kabanata 10

Emergency meeting ba kamo?

Ano? Emergency para sa kanya na mainis ako buong araw?

Walang kwenta ang usapan. Ang topic? Saan daw kami magse-celebrate para sa outing ng SSG Officers.

Aba, grabeng importante naman 'yan para sa emergency meeting?

Hindi ako umiimik. Ang saya-saya ng lahat dahil nga sa usapan at ako rin dapat. Masaya naman talaga dapat pero mas naiirita lang sa pasulyap-sulyap sa akin ng president at ang pagtawag-tawag ni Mindy sa atensyon niya.

"Dame, pabukas naman ng candy," malambing na sinabi ni Vice.

SSG meeting pero nagharutan?

Nag-drawing ako ng kung ano-ano sa notebook bago dinugtungan ng sungay at buntot ng demonyo ang nagawa. Nilagyan ko pa ng pangil at mahabang tainga.

Gwapo oh, parang si Montezides.

Narinig ko ang pangkontrabida kong tawa sa utak.

Napansin ko ang pagbubukas ng drawer sa harap ni Damon, tila naghahalukay ng kung ano kaya sumulyap ako saglit at nakita ang gunting na inilapag niya sa lamesa papunta kay Mindy.

"Here," pormal niyang sinabi.

Namilog ang mata ni Mindy, bumuka ang bibig para magsalita pero 'di natuloy nang 'di na nakatingin sa kanya ang huli.

Nasalubong ko ang matalim niyang tingin. Tinaasan ko ng kilay at inangasan ng tingin.

"Bitch," kita kong buka ng bibig niya at iritadong hinablot ang gunting para buksan ang candy niya.

"Lapi falls," ani Damon, tinutukoy ang sinabi nilang pupuntahan kaya inilayo ko ang tingin kay Mindy.

Oh, Lapi? 'Di pa 'ko nakakapunta ro'n, ah?

"Oo, Pres.!" pagsang-ayon nila, "nakapunta na ro'n sina Bryan, sila daw ang guide."

"Magdadala kami nga inihaw!" tuloy-tuloy na sabi no'ng mga kasama namin, "tapos drinks."

"Maganda daw do'n sabi nina Chairman," dagdag nila.

"Everyone okay with it?" pagkaklaro ni Damon.

"Yes, Pres.!" chorus nilang sabi, tuwang-tuwa at excited. Nilagyan ko ng background na bundok at ulap na may araw ang drawing ko bago nilagyan ng parang natutunaw sa paa no'ng tao-tao.

"Do'n na tayo, Dame," ani Mindy, "maganda naman daw. I'll bring some foods din, sakto, my Mommy will come back from States. Maraming pasalubong."

Mas nag-ingay sila, excited sa pasalubong.

"Ayon! Doon na tayo, Preside—"

"Is Lapi okay with you, love?" ang boses na 'yon ang nagpatigil sa lahat.

Nanigas sa papel ang kamay ko, natigil sa pagkulay ng mga bundok.

"H-huh?" nag-angat ako ng tingin at nasalubong ang malambing niyang tingin. Umugong ang dibdib ko sa biglaang paglakas ng pilantik nito.

"Is Lapi falls fine with you?" pag-uulit niya, "or do you have some place in mind?"

"Ano?" inilibot ko ang tingin, mas kinabahan sa atensyon ng lahat, tila nag-aantay ng sagot ko.

Bakit ako tinatanong?

"Wala, wala," mabilis akong umiling, tumitikhim. "Ayos na 'yong Lapi. 'Di pa 'ko nakakapunta ro'n, 'di na kailangang tanungin ako o ano... uh, gusto naman ng lahat kaya okay na."

"You're the secretary, you should have a say in this matter," sabat niya.

"A-ahh..." awkward akong tumawa, nag-iinit ang pisngi sa atensyon ng lahat. "Okay na, okay na 'ko do'n, President." Binalik ko ang tingin ko kay Damon na mukhang satisfied na sumandal sa upuan niya.

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon