Kabanata 2

47.4K 2.1K 1.1K
                                    

Kabanata 2

Tip para maging famous ang isang taga-lower section na kagaya ko? Maging crush ni President Montezides.

"Lakas mo talaga, boss Revel!" tinapik ni Junard ang balikat ko habang papauwi kami.

Ngumisi ako at nilingon siya, "ako pa ba, Junard? Revelia ata ito!"

Humahalakhak na nag-apir kaming dalawa.

"Hindi kaya crush ka talaga ni pres., Revel?" doon ko na sinulyapan si Eunice.

"Oh?" natahimik ako, "hmm, hala, parang oo..."

Ilang segundo pa kaming nagtitigan bago sabay na humalakhak at nag-apir.

"Impossible!" sabay naming sigaw at nagkapit ng braso bago nagtawag ng traysikel at kagaya ng nakasanayan ay nandoon na naman ako sa likuran, nakabukaka at nakakapit. Walang pakialam kung sabog na ang buhok at nililipad ang palda.

May jogging pants naman sa loob! At kung 'di ako naka-jogging pants, pakialam ko kung makita nila ang shorts kong puti na bakat ang panty kong SO-EN?

Aba, bakit ako mahihiya? Nude color ang mga binili ni Mama! Graduate na ako sa bright colors na may nakalagay na Monday, Tuesday hanggang Sunday.

Maganda ang mood ko ngayong araw. Nakauwi akong bugbog-sarado sa hampas ng barkada pero mas malala ang bugbog ko sa kanila kaya quits lang kaming lahat. Nagreklamo pa si Eunice na pumangit ang tikwas ng buhok niya sa pagbatok ko.

"Okay lang 'yan, mag-straight 'yan kapag naligo ka na."

Matalim niya akong tinitigan. Ngumisi ako sabay apir sa kanila.

"Oh, paano ba 'yan? See you tomorrow mga fans?"

"Iba ka na, boss! Famous ka na! Sa lahat ba naman ng magkaka-crush sa 'yo si president pa!" ani Jere.

Hinablot ko ang plastic na bulaklak na binili nila kanina, dinala sa ilong ko para amuyin at kunwaring mabango pero ang totoo talaga'y amoy goma bago tumalikod papunta sa bahay.

"Ayusin mo lakad mo, Revel!" singhal ni Eunice.

Umayos ako ng tayo sabay kembot ng balakang pero narinig ko lang ang ungol nilang lahat.

"Wala nang pag-asa si boss,"

"Career path n'yan kasi boksingera," ani Junard.

"Tignan mo, sa halip na magagandahan ka kapag lumapit siya lalayo ka na lang at baka bigla kang sapakin," ani Eunice.

"Naririnig ko kayo!" sigaw ko at sa paglingon ay nagtatakbuhan na palayo ang mga alagad ko.

Umiling ako sabay taas ng sleeves ng uniform ko at tanggal ng butones para maiwan ang shirt ko.

Ang init! Bakit 'di na lang ako naging lalaki para libre ang maghubad na lang kapag mainit?

Wala akong ginawa pagkauwi. Pagkatapos kong magsaing at mag-asikaso ng bahay ay wala naman akong maalalang assignment... biro lang, 'di lang talaga 'ko gumagawa. Kopya na lang ako sa mga alagad ko bukas. May source 'yon si Eunice sa section one.

Madaming bilin si Mama kinabukasan bago ako pumasok. Nandito na naman ang mga nakikikain kong mga alagad at nabawasan na naman tuloy ang pandesal na para sa akin.

Naku, ang sarap tuktukan! Wala bang mga pagkain 'to sa bahay?

Wala akong jogging pants ngayon dahil nasa labahan kaya iritado tuloy ako. Mabuti na lang at kahit papaano'y gentleman naman itong Jeremiah at pinaupo ako sa labas sa likod ng driver kaya ayon at siya ang nasa likod.

Mas nag-alala nga lang ako habang pinagmamasdan siyang agaw-buhay na nakakapit sa likod. Patpatin pa naman, baka liparin ng hangin palayo.

Ayaw ko namang mabawasan kami ng alagad.

Rebel HeartsWhere stories live. Discover now