Chapter 13🥀

17 3 0
                                    

Chapter 13🥀

Gustong-gusto


"Congratulations, I am impressed with all of your research and how all of you defended it. And I hoped that this experience will be used in your future work field. Class dismissed."


Nagsilabasan ang mga estudyante habang hindi ako makalabas ng tuluyan, Nasa tabi ako ng pintoan hinihintay si Raya.


Nang makitang palabas na siya umalis ako sa pinagtatagoan upang kausapin siya.


"Uh, you did great today." I said referring to our research which we defended earlier.


Mabilis siyang bumaling sa akin at may kuryoso sa mukha at pagsosuspetsiya narin. And I know why so I glared and snorted.


"Oh, I freakin know that look, Don't even bother telling me."


She stopped and hold her laughed. "Okay, I won't."


"Uh, uuwi ka 'na?"


"Nasaan 'yung gf mo?"


I bit my lower lip, somehow I want to tell her the truth.


"To be honest I don't have one."


She paused. "Wala kang girlfriend?!"


Why the hell does she sound angry at me? Mukhang ayaw niya talaga sa akin. 'Ouched mga Chong!'


"I lied."


"Eh ba't ka naman nagsinungaling?"


"But I liked someone and I'm still courting her." nakita ko ang pag iba nang templa ng kanyang mukha. Nagpatuloy siya sa paglalakad na para ba walang narinig. "But I have a crush on... someone else."


Huminto siya at mabilis at seryoso akong tiningnan.


"You liked someone and You have a crush on someone as well?"


I hold my laughter because I know I'm pathetic. "It's complicated."


"Yeah, clearly." in sarcastic.


'What a chic.'


"Hatid kita sa inyo ulit?"


"Bakit mo naman ako ihahatid?"


"Gusto ko lang."


Nakita ko ang pag-iba ng kanyang mukha, hindi niya kasi inaasahan ang sasabihin ko.


Huminto siya sa paglalakad at madali akong hinarap at kulang nalang makakita ako ng usok na lumabas sa dalawang butas ng ilong niya dahil sa galit.


'Ba't sya galit?'


"What?"


"What do you mean what!?" inis niyang patanong at umirap upang putolin ang aming titigan.


"Bakit ka galit...?"


"Sino ba naman ang hindi? Alam kong pinaglalaroan mo lang ako!"


Umiba ang templa ng aking mukha, hindi nagustohan ang kanyang sinabi kaya ako naiinis at napa-irap ulit.


"Sino ba naman ang nag sabing pinaglalaroan kita?" tanong ko gamit ang mahinahon na tono.


"Ewan ko! Itanong mo sa syota mo!" she said glaring at me and walked away.


Napahilot ako sa sentido bago siya sinundan at sapilitan na kinuha ang bag niya.


I saw how irritated her look was, like a bull fuming mad, she tried getting her bag from my hold pero dahil sa taas ko ay hindi niya makuha.


"Hero! Ibigay mo sabi 'yang bag ko!" mas lalo akong ngumisi.


"Kunin mo." I challenged.


"Bigyan kaya kita ng sapak na pang Jupiter?"


Nagkasalobong ang kilay ko. "Anong sapak na pang Jupiter?"


Ngayon siya naman ang ngumisi na parang totoohanin niya talaga ang banta. "Yung sapak na may dalang kulog at kidlat."


A cold shiver went down my spine, but it wasn't because I'm scared. I'm shock that I want a terrifying woman like her.


Hindi ko alam pero nasisiyahan ako kapag iniinis ko siya.


Gusto kong makita ang mataray niyang mukha at gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya.


"Hero---" she stopped when she tried to grab the bag but I was trying to put it up, kaya hindi ko sinasadya na masagasaan ang kanyang kamay sa ere dahilan upang mapahinto siya.


I immediately rush to aid her and I saw how shock she was dahil hinipan at marahan kong hinaplos ang kanyang kamay na hindi ko sinasadyang masaktan.


"I'm sorry, I'm sorry..." I repeat it while I gently held her hand.


Nang tingnan ko siya nagtama ang mga mata namin. Na realize ko rin ang lapit lang pala ng mukha naming dalawa.


Only a push from my back I'll get to feel her lips to mine. Naging mabagal ang aking pag-hinga at nagpabalik-balik ang aking mga mata sa kanyang magandang mata at mapupulang labi.


Inside my head, someone is saying I shouldn't do it, that I should think about who I like and that's Jules.


But there's a voice inside my heart saying I should feel her lips because I want her, only her.


Just when I was about to feel her lips, someone shouted my name leaving my attempt to kiss Raya and turn my head at Jules fuming face.

To Be True Series 1: A Cold HeartWhere stories live. Discover now