Chapter 1:

2.7K 54 3
                                    

Hide’s POV

Napabuntong-hininga ako dahil sa traffic. Napapatuktok na lang ako ng aking daliri sa manibela. Base sa mga pinag-uusapan ng mga dumadaan sa kabilang way, may naaksidenteng nangyari sa harapan. Mahigit tatlong minuto na akong naghihintay ni wala man lang umuusad. Napahinga na lang ako nang malalim saka tumingin sa bintana. Malayo-layo pa rito ang bahay pero nandirito pa rin ako.

Gusto ko na ring magpahinga. Kauuwi ko lang ng Pilipinas galing Italy. Kung traffic ang bubungad sa akin, mailalabas talaga nito ang aking iritasyon. Habang nakatingin sa bintana at naglilibot ng paningin, nakita ko ang ordinaryong bus. Tiningnan ko lahat ng pasaherong nasa bintana. Napaikot na lang ako ng aking mga mata. Hindi sana ibabalik ang tingin sa bintana ng bus ngunit may babae akong nilagpasan lang ng tingin kanina.

Ngayon, ang mga mata ko ay nasa kaniya lamang. Malumanay ang kaniyang mga mata habang nakasalong baba. Pumipikit ito, kapag pumikit biglang mahuhulog ang ulo.

Tumingin ako sa likuran. Lingid sa babaeng ’to na hindi lang ako nakatingin sa kaniya. Hindi ba siya nahihiya?

Muli na naman siyang inantok.

Kusang gumalaw ang aking kamay. Binusinahan ko ito dahilan para malaglag ang kaniyang ulo sa kamay niyang nakasalo. Mapupungay ang mata nitong inayos ang sarili. Bago umayos ng upo, hinanap niya muna ang bastos na nanggising sa kaniyang tulog na pahinto-hinto. Namangha ako sa kaniya na sa akin agad ang diretso. Sandali lang ang tingin sa akin saka na umayos ng upo.

Napailing-iling ako.

Ganoon ba kalalim ang iniisip niya kaya hindi magawang magsungit sa akin? Ganitong babae sana ang lagi kong nakakasalamuha. Iyong walang pakialam sa mga lalaki.

Biglang umusad ang mga sasakyan. Naunang umalis ang bus ng babae kaysa sa akin. Hindi ko na inisip ‘yon at tinahak na lang ang lugar kung saan ako uuwi.

Ysreal’s POV

Napahikab ako dala ng antok. Muli akong nagsalong baba. Makatutulog sana muli nang biglang sumigaw ang konduktor.

“Oh, tumayo na ang mga bababa sa Super Market!”

Tumayo na ako sa aking kinauupuan. Humawak ako ng maigi sa upuan dahil biglang huminto ang bus. Mauuna pa yata ang ulo ko sa pagbagsak kung sakali. Mabilis akong bumaba ng bus. Napalagay ng kamay sa noo dahil sobrang init. Naglakad ako patungo sa karinderya para magtanghalian.

“Adobo, sabaw at isang kanin po,” ani ko sa tindera. Umupo sa bakanteng upuan. Ayokong may katabi.

“Ngayon ka na lang muli kumain dito, hija. Masyado ka bang busy sa trabaho?” Araw-araw akong kumakain dito kaya siguro nakilala niya ako kahit sobrang dami niyang kostumer.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kumain na lang ako nang mailapag ang pagkain sa lamesa. Abala ako sa pagkain nang biglang mapalingon sa telebisyon. Nakuha ng balita ang aking atensyon.

“Isang lalaki ang natagpuang pátay sa kalsada kaninang madaling araw. Hanggang ngayon ay ini-imbestigahan ng mga pulis kung sino ang pumatáy dit—”

Hindi ko na tinapos ang buong sasabihin ng reporter. Mabilis akong nag-iwan ng bayad sa tindera at nagmamadaling naglakad.

Tinatawag niya pa ako kung anong nangyari sa akin. Pansin ko rin ang pagkunot ng kaniyang noo. Isa lang ang nararamdaman ko, nanlalamig ang aking mga kamay at mabilis ang pagtikbok ng aking puso.

Hindi na ako nagbus dahil iyong balita lang naman ang maririnig ko. Pinara ko ang taxi. Mabilis ako nitong dinala sa Laur Enterprises.

Mabilis ang aking paglalakad, salamat nga dahil bag ko lang ang dala ko ngayon. Nakuha ng noo kong kumunot dahil habang tinatahak ko ang aking destinasyon, panay ang tingin ng mga tao pati na rin ang mga empleyado rito.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzWhere stories live. Discover now