Chapter 17:

1.2K 33 3
                                    

Hide's POV

Natahimik ang lahat nang marinig ang iyak ni secretary. Pasimple akong lumapit, umupo ako para magkapantay kaming dalawa. Nakayakap pa rin siya kay Tita Yira, kahit ganoon ang puwesto, nakuha kong punasan ang luha niya rason para tumigil siya sa pag-iyak at magtaka.

"Hide, stand up!" sigaw ni mom nang makita mismo ang ginawa ko sa babaeng pinapahiya niya. "Huwag kang ganiyan sa babaeng iyan."

Matapos kong gawin ang gusto ko, tumayo na ako at bumalik sa puwesto. Wala naman akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao sa ginawa ko. Ang gusto ko lang, ayoko siyang umiiyak at nakikita sa mukha niyang nahihirapan.

Ewan ko ba, para kaming konektado. Apektadong-apektado ako sa kaniya.

Tumayo ang mag-ina mula sa pagkakaupo. Binigyan ni Tita Yira si secretary ng panyo para ipangpunas sa mukha. Nagkalat na ang ibang make up sa mukha niya.

Hinarap ni Tita Yira ang aking nanay. Parehas blanko ang kanilang mga mata. Nagpapakiramdaman. Ngayon ko na lang muli nakitang ganito kaseryoso ang nanay ko.

"May lahing mamamatay tao naman pala ang anak mo, Yira." Bakas sa mukha ni mom ang pagkapikon. Damang-dama ko ang kaniyang iritasyon. "O baka naman nasa dugo niyo na talaga?"

Tumayo nang maayos si Tita Yira. Kalmado siyang magsalita. "I don't want to make a mess especially since it's your birthday. Tatapusin ko na ang eksenang anak ko ang kontrabid-"

"Kinakampihan mo ang anak mong pumatay ng tao?! My God, Yira! Hindi ko alam na ganiyan ka pala maging nanay!"

Huminga nang malalim si Tita Yira. Halatang ayaw niyang ipagpatuloy ang eksenang ganito. "I believe Ysreal is not the killer. I can't find any evidence to clear my daughter's name but I will help you find evidence. Kapag si Ysreal ang tinuturo ng mga ebidensya, sisiguraduhin kong magbabayad siya. Napalaki ko nang maayos ang anak ko, alam niya ang mga dapat niyang gawin. Hindi pa ako nagsasabi baka siya na mismo ang sumuko sa mga pulis. You embarrassed my daughter in front of many people without any proof. Because we're friends, hindi kita sasampahan ng kaso. Kahihiyan ang matatanggap mo kapag napatunayan ko sa lahat na mali ang babaeng kinokompronta mo ngayon. Palakihin mo ang lahat ng 'to, makikipagsabayan ako sa mga gawain mo, Mrs. Victoria Laurier."

Magsasalita pa sana ni mom nang lapitan siya ni dad.

"Stop it, honey. Tayo lang ang mapapahiya kapag ipinagpatuloy pa natin 'to. Tayo ang mali sa mata ng lahat."

Bago umalis si mom, muli siyang nagsalita. "Can you answer my question, Yira?" Hindi siya sinagot ng kausap kaya tinuloy niya ang pakay. "Nagulo ang kaso ng anak ko para hindi mahanap ang pumatay. Ikaw ba ang may kagagawan n'on? Ikaw lang ang may kakayahang gawing miserable ang isang bagay."

"I can't answer that." Ngumiti siya ng pilit. "But when it comes to my daughter, I will do anything." Hinarap niya ang lahat na nanonood. "Walang magpupubliko ng pangyayari ngayon. I know all your social media accounts. I'm Yira Ferenz, I can do anything what I want."

Ferenz. A Ysreal's surname.

Kaya pala wala siyang apelyido sa lahat ng dokumento dahil kilalang-kilala ang kaniyang pamilya. Ni hindi ko man lang naisip ang bagay na 'yon.

Ano kaya naisipan ng babaeng ito na magpakahirap sa buhay? Lumayas kaya siya sa kanila?

Tumalikod na sina mom at dad, sumunod sa kanila si Serious. Ako naman ay naiwan dito. Ang mga tingin ko ay na kay secretary, may batang lalaking nasa kaniyang tabi. Sa pagkakaalala ko, Keros ang kaniyang pangalan. Anak din ito ni Tita Yira, kapatid ni secretary. Kasing-edad ni Serious. Ito yata 'yong batang lalaking nasa ospital, lola niya ang nagbabantay. Sabi ni Ysreal ay nakaraang taon pa iyon.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzWhere stories live. Discover now