Epilogue:

2.1K 52 9
                                    

Ysreal’s POV

Dalawang buwan na ang nakalilipas.

Nandirito ako ngayon sa bahay. Naging taong bahay ako matapos magresigned. Hindi na rin kami nagkikita ni Hide, mukhang marunong siyang rumespeto sa naging desisyon ko. Hindi naman ako nagkaproblema. Mabuti nga’t ganoon ang desisyon niya.

“Tara, Ysreal! Nood na tayo ng horror!”

Kanina pa ako yinuyugyog ni Fail para sa kagustuhan niyang manood. Nakasimangot naman ako dahil abala ako sa pagbabasa ng mga dyaryo tungkol kay Conan. Wala namang masamang balita puro pamumuri sa kaniya. May balita pa ngang may pasikreto siyang dinadate na babae pero agad niya iyong kinontra na gawa-gawa ng mga fans niya.

“Ayoko, Fail.”

Napasimangot siya sa aking naging sagot.

“Ano ba kasing kinabubusyhan mo riyan? Ayaw mo bang magsaya? Like woooohh!” Umakto pa siyang multo sa harapan ko kaya natawa ako nang mahina.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Hugo, hindi niya dala si Caffie. Kaya rin naman ako naging taong bahay dahil sa aking aso. Tinitigan ko si Hugo na papalapit sa aming puwesto. Agad na nalukot ang aking mukha sabay takip sa ilong ng dyaryo.

“Hindi ka ba nahihiya sa mga babae mo? Ang baho ng pabango mo. Nagbago ka ba?”Agad kong reklamo dahilan para mangunot ang kanilang noo.

“Huh? Ito pa rin. May sira na iyang ilong mo.”

Ang walanghiyang lalaki, naupo pa sa tabi ko kaya panay ako bahing. Ako na ang tumayo para lumayo.

“Ayos ka lang, Ysreal?” Mabilis na kumatig si Fail na may pag-aalala ang mukha. “Ang bango kaya ni Hugo. May sipon ka ba?”

“Huh? Wala.”

Pumunta na lang ako sa lababo para maghilamos ng mukha dahil sa bahing ko. Bumalik ako sa sala kung nasaan sila pero agad akong napabalik sa lababo nang muli akong nababahing.

“Uminom ka kaya ng gamot.” Suhestiyon ni Fail na nasa likod ko na. Dinudungaw ang mismong mukha ko. “Hoy, Hugo! Magpalit ka nga ng damit! Baka may allergy na si Ysreal!”

“Wow, ako pa, huh. Magpatingin siya sa otorhinolaryngologist. Ilong ni Ysreal ang may problema.”

Sinabi iyan ni Hugo pero siya pa rin ang nagpaubaya. Napasuot tuloy siya ng t-shirt at short ni Fail kaya bumalik na ako sa sala. Wala na akong naging bahing. Inaasar tuloy siya ni Fail sa kaniyang hitsura. Baliw itong dalawang ’to.

Bumalik ako sa pagbabasa. Sila naman ay nagpapalitan ng asaran. Ilang sandali lang bigla akong nakaramdam ng hilo. Pinipilig ko ang aking ulo para kahit papaano ay mawala. Paulit-ulit lang akong ganoon kaya tumayo na ako. Sa pagtayo ko ay muntikan pa akong matumba.

“Are you okay, Ysreal?” Mabilis nakarating si Hugo sa likuran ko. Umalalay na baka matuloy ang aking pagtumba.

“Nahilo lang.”

Naglakad na ako patungo sa refrigerator para uminom.

“May sakit ka ba, Ysreal? Isang linggo ka nang ganiyan,” seryoso na ang boses ni Fail. “Baka naman may nararamdaman ka, hindi ka nagsasabi sa amin.”

Hindi ko siya tinugon. Binuksan ko ang refrigerator na sinalubong ako ng amoy. Bigla akong naduwal, pasimple akong pumuntang lababo para hindi makahalata si Fail. Sermon na naman ang abot ko sa kaniya.

“Kaninong pagkain iyang nasa ref?” tanong ko matapos magduwal.

“Akin, tinikman mo? Masarap ba?”

Hinarap ko siya. Pekeng ngumiti. “Oum.”

Mabilis ko na lang kinuha ang tubig sabay sarado. Bumalik ako sa upuan matapos uminom. Bumalik ako sa pagbabasa pero hindi mapawi ang aking hilo. Noong nakaraan naman ay hindi ganito kalala. Mukhang kailangan ko nang magpatingin sa doctor.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum