Chapter 27:

1.2K 30 0
                                    

Hide’s POV

“Saan ka ba galing kagabi? Anong oras ka na raw umuwi sabi ni Tita Victoria.”

Kalalabas ko lang pintuan ng kwarto ko, si Laureia agad ang bumungad sa akin para magtanong ng kung ano-ano.

“Hide, bakit ba ayaw mo akong pansinin? What’s wrong? Ayos naman tayo!”

Hindi ko pinakinggan ang mga sinasabi niya. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad pababa ng hagdan. Nakita ko pa si Serious na nagbabasa ng makapal niyang libro. Tuwing uuwi ako, pag-aaral talaga lagi ang inaatupag niya.

“How’s your study, Serious?” Kinamusta ko na rin siya dahil minsan lang naman ako umuwi rito. Mas pinipili kong sa bahay manirahan.

“It’s okay, kuya.” Pinasadahan niya ng tingin ang aking buong katawan. “Where are you going? Katatapos lang natin magsimba, hindi ba dapat stay ka rito?”

“May ayaw lang akong makita.”

Kulang na lang hindi na marinig ni Cure ang sasabihin ko dahil sa sobrang hina. Tiningnan niya si Laureia na papalapit sa aming puwesto. Mukhang nakuha niya ang pinupunto ko.

“Nag-away ba kayo ni Ate Laureia? How’s Ysreal, kuya? I don’t see her anymore.”

Napatingin ako sa kawalan nang maalala ang pinagsasabi ni Ysreal kagabi. Hindi na nga ako makatulog doon, pinaalala pa ni Serious ang babaeng ‘yon. Iisipin ko na naman ‘yon hanggang mamaya. Si Ysreal ang rason kung bakit lutang ako ngayon. Kahit sa simbahan, lumilipad ang isip ko.

“Ewan ko,” sagot ko na lamang. Hinarap ko si Laureia na nakikinig sa amin. “Alis na ako. Huwag mo akong sundan.”

Napatulala siya sa aking pinagsasabi. Simula nang umuwi kami galing sa kasal, ganito na ang trato ko sa kaniya. Nakatatawa lang kasing isipin na ang lakas niyang magreklamo sa aking nasasaktan siya at naiintindihan niya ako pagdating kay Ysreal. Hindi niya man lang naisip kung bakit kami naghiwalay. Kung bakit ganito ako sa kaniya. Siya ang may kasalanan kung bakit wala na kami ngayon.

Sumakay na ako sa sasakyan at nag-umpisang magmaneho. Pupuntahan ko si Cure dahil ipapakilala niya raw ako sa kaniyang asawa, nakalimutan niya raw iyon kagabi dahil sa kalasingan.

Habang nagmamaneho sa puno ng kakahuyan, biglang umulan nang malakas. Tumunog din ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sinong nagpadala ng mensahe.

From: Cure
Mamayang gabi na lang tayo pumunta. Sinesermonan ako ni mom ngayon e. Nandito na rin pala si Reid. Punta ka na, bilis.

Napailing-iling na lang ako.

Abala ako sa pagmamaneho nang bigla kong makita si Ysreal na naglalakad sa gilid ng kalsada. Nakayuko siya habang basang-basa sa ulan. Pansin ko pang taas-baba ang kaniyang balikat.

Lasing na naman ba siya? Anong naisipan niya? Nahihiya akong kausapin siya dahil sa pinagsasabi niya kagabi. Hindi, dapat siya ang mahiya dahil sa mga sinabi niya sa akin kaya hininto ko ang sasakyan sa mismong harap niya. Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

Ysreal’s POV

“Oh, aalis ka na naman? Kakaalis mo lang kagabi, ah? May hang-over ka pa yata, Ysreal!”

Kinuha ni Fail ang bag ko pero agad kong binawi sa kaniya dahil nagmamadali akong umalis.

Masakit ang ulo ko pero wala lang ‘yon sa akin. Pag-agaw ng gamit ko ang paraan ni Fail para hindi ako makalayas pero hindi siya magwawagi ngayon. Sinuot ko na ang sandals ko at mabilis na lumabas.

“Hoy! May date ba kayo ni Hide?! Alam mo bang may sinabi ka sa kaniya kagabi!” sigaw pa nito.

Gusto kong malaman ang sinabi niya pero napagpasyahan kong mamaya ko na lang siya tatanongin dahil kailangan ko nang magmadali. Nagpara na ako ng taxi, sumakay at sinabi ang address na aking pupuntahan. Biglang lumabas ang pangalan ni Conan sa cellphone ko kaya tiningnan ko ang mensahe niya.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzWhere stories live. Discover now