Chapter 22:

1.3K 35 1
                                    

Ysreal’s POV

Napataas ang kanang kilay ko nang bumaba si Conan sa kaniyang sasakyan. Lumiban ako sa trabaho para lang sa kaniya, hindi ko alam ang kaniyang pakay sa akin pero ako naman ‘tong uto-uto at sinunod ang kaniyang gusto.

Masyado talagang distorbo ang lalaking ‘to. Hindi niya ba kayang mamuhay ng mag-isa? Hindi ‘yong kailangan ay palagi siyang nanggugulo sa akin.

Nakasuot lang siya ng polo-shirt na kulay itim, ganoon din ang kulay ng pants niya. Simple lang ang kaniyang suot pero nakukuha niya lahat ng paningin ng mga babae rito sa labas ng mall.

E, paano ba naman. Ang buhok niyang kulay blonde, ang makapal niyang kilay, inosenteng mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Isama na natin ang kaniyang tangkad. Hanggang dibdib niya nga lang ako. Nakakaattract talaga ang kaniyang hitsura. Kung tingnan niya pa ang mga babae rito ay tila siya interesado. Kawawa ang mauuto niya.

“What’s wrong, Baby Dumpling?”

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya kaya pinilig ko ang aking ulo.

“Wala. Akala ko hindi mo titigilan ‘yang mga babae.”

Napairap ako ng mga mata. Tinalikuran na siya.

“Gwapong-gwapo ka ba sa akin? And you’re jealous, baby?”

Ramdam kong nakasunod siya habang naglalakad ako papasok ng mall.

“Jealous?” Tumigil ako sa paglalakad para harapin siya. “Are you freaking serious, Conan? Magkasama tayo dahil ang intensyon mo ay guluhin at inisin ako, wala ng iba.”

Muli akong tumalikod para maglakad.

“Wow.” Narinig ko ang pagtawa niya nang mahina. “Hindi ba p’wedeng namiss kita? Saka iyang galit mo, isantabi mo na.”

“Just shut up your mouth.” May diin sa pagkakautos ko. “Kung ayaw mong magtalo tayo rito ngayon sa maraming tao. I’m mad at you until now.  Mababaw na dahilan pero malaki ang epekto sa akin.”

”Okay. Okay.” Naging seryoso na ang kaniyang boses. Hinawakan niya ang aking kamay. “Let’s have a date na lang.”

Nagpadala lang ako sa kaniyang hatak. “Hindi mo ba itatago ‘yang mukha mo? Baka mamaya, dumugin ka na naman.”

“You're here naman para saluhin ang pagkakalaglag ko.”

Hinarap niya pa ako para kindatan. Hindi ko na talaga maintindihan ang lalaking ito.

Pumasok kami sa isang flower shop, hinarap kami ng mga staffs. Ang isa ay sa akin nakikipag-usap pero ang mga mata ay na kay Conan. Sanay na ako roon kaya pumasok na lang ako sa loob. Nilibot ni Conan ang kaniyang mga tingin, sumunod na lang ako sa kaniya. Huminto siya sa bulaklak na kilala ng lahat, ang sampaguita.

“You like sampaguita?” tanong ko habang nasa likuran niya.

Titig na titig siya sa mga ‘to. “No, I like yourself.” Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. Sinulplyapan ako nito. “I like sampaguita dahil naaalala kita kapag nakikita ko sila. You smell like sampaguita, tuwing umaga.”

“Baka sa sampaguita ako pinaglihi ni mom.”

Inalis niya ang atensyon sa bulaklak at tumayo nang maayos. “You’re so assumera, sis. Pinaglihi ka lang sa talahib.”

Nainis ako sa kaniyang sinabi pero mas pinili ko na pang itikom ang aking bibig dahil hahaba lang ito. Kumuha siya ng isang bouquet of flowers at binayaran sa cashier. Nagtaka ako dahil doon.

“Actually I have someone to meet.”

“I see.”

Tumango-tango na lang ako. Ngayon lang siya bumili ng bulaklak para sa ibang babae. Naalala ko pa ‘yong dati niyang sinabi na sa akin lang siya magbibigay ng bagay na ‘yon. Kung may iba, ayos lang naman sa akin. Mukha namang masaya siya.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon