Chapter 8:

1.1K 38 12
                                    

Ysreal’s POV

Isang buwan na akong katulong dito sa mansion nina Sir Cure. Sa isang buwan kong paglilingkod sa kanila, wala namang masamang nangyari sa akin. Totoo nga ang sabi-sabi na mabait ang mga magulang nito. Nakuha ko agad ang kanilang tiwala. Hindi naman ako nahirapang makisalamuha sa mga katrabaho lalo na sa mayordoma. Mas maganda pang magtrabaho rito kaysa bumalik sa pagiging sekretarya ng lalaking walang puso. Isang buwan na rin pala kaming hindi nagkikita niyon. Hindi ko naman siya naiisip kaya wala akong balita sa kaniya. Galit pa rin ako roon.

“Ysreal, bigyan mo muna ng pagkain ang kaibigan mo,” baling sa akin ng mayordoma na abala sa pagluluto.

Si Sir Cure lang naman ang tao rito at wala ang kaniyang mga magulang pero kailangan pa ring paghandaan ng pagkain ang lalaking iyon. Maayos naman ang pakikitungo niya sa akin.

“Opo,” magalang kong tugon. Kinuha ko ang isang dessert at juice. Pumunta rito si Fail para kumustahin ako.

Nang matunton ko ang sala, nakita ko siyang nakaupo habang seryosong nakikipag-usap kay Sir Cure. Hindi nito maiunat ang labi para sa ngiti. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.

“Fail, kain ka na muna.” Agaw atensyon ko. Mabilis na nilipat ni Fail ang atensyon sa akin. Ngumiti siya at kinain iyon. “Ano bang pinag-uusapan niyo?”

Nilingon ko si Sir Cure. Pormal siyang nakaupo habang ang mga tingin ay nasa telebisyon.

“About Reid.” Nagpunas muna ng bibig ang kaibigan ko bago magpatuloy sa pagsasalita. “Akala ko may gusto sa ‘yo kaya ka tinulungan. Sabi nitong si Cure, ganoon din daw si Reid sa ibang babae.”

Napataas ang gilid ng aking labi sa nalaman. “Hinddi ba dapat ako ang maaring magkagusto dahil ako ang tinulungan?”

Naiilang na ngumiti si Fail. Ngayon lang siya nagkainteres sa lalaki para ipagpilitan sa akin. “Para naman maka...”

Nawala ang naiilang na ngiti niya, tila naintindihan ng kaniyang sarili kung anong lalabas sa kaniyang bibig kaya hindi niya na ito tinuloy. Wala naman akong balak tanongin.

“Maka?” Sumali sa usapan si Sir Cure. Nakatingin na siya sa aming dalawa.

“Never mind.” Muling bumaling ito sa akin. “Temporary work mo lang naman ito, Ysreal, hindi ba? Naghahanap pa rin ako ng trabaho for you. Masyado kasing masusungit ang ibang CEO ngayon. Sabi kasi nitong si Cure, masungit daw si Hide. Mas magandang doon ka na lang sa maganda ang trato.”

Tumango na lamang ako sa kaniya. Kinuha ko ang pinagkainan nito nang matapos siya. Hinugasan ko muna bago bumalik sa sala. Nandoroon pa rin silang dalawa. Paupo na sana ako kaso bumukas ang pintuan, bumungad sa amin ang mukha nina Reid at Serious.

“Good morning.” Matamis ang ngiti. Magalang ang boses at bakas ang pagiging seryoso.

Sa dalawang salita, maayos na bumati ang kapatid ni Hide. Ibang-iba taga si Serious sa kaniyang kuya.

Napalingon kami kay Reid na nakabusangot ang mukha. Hindi ko alam na darating ang mga ito. O baka hindi na pinaalam ni Sir Cure sa mayordoma dahil madalas silang napapalagi rito?

“Why is your face like that, Reid?” Pamumuna ni Cure sa mukha ng kaibigan.

Madalas kasi itong seryoso kaya nakakapagtaka na hindi maayos ang mukha niya.

“Serious kissed me on my lips. Kadiri.” Mabilis na kinuha ni Reid ang tissue na hindi pa nagagamit ni Fail. Pinunas niya iyon sa kaniyang bibig.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Sabay na humalakhak sina Sir Cure at Serious. Tinapik ni Sir Cure ang balikat nito. “Hindi ka pa ba sanay? Alam mo namang ganiyan ang ugali ng kapatid ni Angelo.”

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon