Chapter 28:

1.4K 34 3
                                    

Ysreal’s POV

Nagspray na ako ng pabango matapos kong mag-ayos.

Lumabas na ako ng bahay dahil naghihintay sa akin si Conan. Agad ko siyang nakita, nakasandal sa sarili niyang kotse. Nakapamulsa ang kaniyang mga kamay habang mataimtim na nakatitig sa akin. Animong sinusuri ang kabuoan ko, pinupuri o hinuhusgahan sa kaniyang isip. Masyadong gwapo ang lalaking nasa harapan ko kaya imposibleng hindi niya makuha ang gusto niyang babae.

“May nagugustuhan ka na ba?” Paunang tanong ko dahil sumagi sa aking isip.

Masyado siyang madaldal kaya malabong hindi niya mabanggit sa akin ang babaeng iyon.

“Mayroon.” Binuksan niya ang pinto ng sasakyan. Ngumiti siya sa akin. “Ikaw, hehe.”

“Corny.”

Napairap ako ng mga mata at umayos na lang ng upo. Tumingin na lang ako sa harapan.

“Nagtanong ka tapos hindi ka tumatanggap ng sagot ko.” He complained when he got into his car.

Nagmaneho na siya nang mabilis.

Walang traffic sa kalsada dahil masyado ng gabi. Hindi na ako bata para pagbawalan pa ng aking mga magulang lumabas ng ganitong oras lalo na’t kasama ko naman ang lalaking ‘to.

“Saan ba ang venue?” Binasag ko ang katahimikan dahil mukhang walang balak magsalita ang isang ‘to. Hindi ko alam ang pumapasok sa isip niya. “Kumusta naman iyang mukha mo? Tapang niyo naman ni Hide. Psh.”

Ayokong nasasangkot siya sa gulo kaya ganito ako magreaksyon.

“I’m fine now.” Sumulyap siya sa akin ng sandali. “Anong venue ng pinagsasabi mo? Kaya ba nakablack backless sexy mini dress ka dahil maraming poging nakaformal attire? God, bee! Sa bar ang location natin.”

Nalukot ang mukha ko sa paraan ng kaniyang pananalita kahit sanay naman na ako rito.

“Wow, tinernohan ko lang ang suot mong black short sleeves polo at black trouser pants.”

Tiningnan niya ang kaniyang katawan. “Bakit? Hindi ba bagay sa akin? Alam mo bang si mommy pa ang pumili nito? Mas agaw atensyon daw sa mga babae ang nakashort sleeves polo!”

“Okay,” sagot ko na lang kaya sa buong biyahe, nakanguso siya.

Kailan ba siya aayos kapag kasama ako? Masyado siyang komportable sa akin kaya pati clingy side niya, ako ang sumasalo.

Huminto kami sa isang parking lot. Ako ang unang lumabas dahil inayos niya pa ang kaniyang damit para matagalan siya sa loob. Paglabas ko, puro kalalakihan agad ang bumungad sa akin na nakasuot ng formal attire, lahat sila ay mga hawak na basong may laman na alak.

Ang nakaiilang pa, nagtinginan silang lahat sa akin. Nailang ako pero hindi ko nagawang mag-iwas tingin at mahiya. Umakto akong hindi naaapektuhan sa kanila.

Nang maramdaman kong tumabi ng tayo si Conan, doon lang nila binawi ang tingin sa akin. Ang naging kilos nila ay naging senyales na ‘huwag na tayo riyan, may boyfriend siya.’

Alam kong napansin iyon ni Conan kaya panay tingin siya sa mga lalaki. Kasing-edaran lang namin ang mga ‘to.

“Wow, Conan, girlfriend mo ba ‘yan?” May matinis na poging lalaking sumigaw kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat.

Iyong bawat grupo ng mga lalaking nagtinginan sa akin, biglang tumingin kay Conan. Lumalabas na nakilala lang nila ang lalaking tumayo sa tabi ko nang malaman ang pangalan. Sabay-sabay tuloy silang lumapit dito at tapik sa balikat. Hindi naman ako na-out of place, hawak ni Conan ang kamay ko. May mga lalaki rin sa kabilang gilid at likod ko kaya napapagitnaan kami. Ang dami namang kaibigan ng lalaking ‘to. Kaya siguro wala siyang girlfriend dahil abala sa pangongolekta ng mga kaibigan.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzWhere stories live. Discover now