Chapter 9:

1.2K 33 6
                                    

Ysreal’s POV

Tinutulungan ko ngayon ang mayordoma sa kaniyang pagluluto. Tahimik lamang kaming dalawa rito sa kusina dahil ang iba ay may ibang ginagawa. Magtatakip-silim na kaya kailangang maghanda ng gabihan. Nang matapos kong maglagay ng mga plato sa lamesa, hinubad ko na ang apron kong suot.

“Kaibigan mo ba ‘yong pumunta rito noong isang araw, Ysreal?”

Napaharap ako sa mayordoma. Walang dahilan para itanong niya ito ngunit nakuha ko namang sumagot.

“Opo.”

“Anong pangalan niya?”

“Fail Aalegria po.” Napahinto siya sa paghahalo at napatingin sa akin. Nagtaka na ako roon. “Bakit po?”

“Nakita ko na kasi ang kaibigan mo sa dyaryo. Anak pala ng Aalegria Family. Buti hindi ka natatakot makipagkaibigan? Mahigpit daw ang mga magulang n’on sa anak.”

Napangiti na lang ako ng kusa sa kaniyang tinuran. “Mabait po ang mga magulang nila sa akin. Ibang-iba po sa mga chismis.”

“Mabuti. Oh, akyatin mo na ang batang ‘yon para kumain. Ako na magtatawag kina ma’am.”

Naghugas muna ako ng kamay bago akyatin ang napakahabang hagdan. Nakarating ko ang pasilyo, ilang pintuan pa ng kwarto ang nadaanan ko bago matunton ang kwarto ni Sir Cure. Kakatok sana ako ngunit rinig ko ang sigawan dito sa labas.

“Where did you spend 1 million?!” Boses ito ng kaniyang nanay. “1 million lost in your bank account! Oo, marami tayong pera pero kailangan nating gastusin iyon ng tama. Hindi bili na lang nang bili kahit hindi naman kailangan. Nangyari na ito noong nakaraang taon, mauulit na naman?! Wala ka na ngang natutulong sa business, Cure.”

Sunod na nagsalita ang tatay ni Cure. Mukhang kinakausap nila ang kanilang anak. Hindi tama itong ginagawa ko pero mas pinili kong makinig.

“Tanggalan ka na lang kaya namin ng allowance?” tatay niya.

“Da—”

“Idadaan mo na naman ‘to sa hindi na mauulit?” Kalmado ang boses ng kaniyang tatay pero nakakikilabot. “Malaki ka na, Cure. Hindi namin kailangang ulit-ulitin mga sinabi namin noong nakaraang taon para matuto ka. Kasi kung nag-iisip ka, gagawa ka ng tama.” Natahimik ng ilang sandali. “Papalagpasin namin ito, huh? Kapag naulit ulit, I will not hesitate to close your bank account.”

Nang mapag-alaman kong lalabas sila, pumasok ako sa isang kwarto para magtago.

Lumabas lang ako ng wala na akong marinig na yapak. Tumingin ako sa silid ni Cure na nakasarado. Gusto ko man iyon pasukin para masiguradong ayos lang siya ngunit hindi p’wede.

Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga bago bumalik sa kusina. Nakita ko roon ang mga magulang niya.

“Nanay, maya-maya niyo na hatiran ng pagkain ang batang iyon,” wika ni sir na katatapos lang magpunas ng bibig. “Sigurado akong hindi kakain ‘yon dahil napagalitan. We still have to leave. We’re too late.”

Mukha ngang may lakad sila ng kaniyang asawa.

Ilang minuto pa ang lumipas nang umalis na ang aming amo. Kumain na ako at pumuntang maid quarters para maligo. Nakasuot ako ng panjamas at fitted na sando lamang. Lumabas ako ng quarters para masiguradong nasarado ko ang main door. Ganoon na lang akong mapahinto nang nakita ko si Sir Cure na pababa ng hagdan, walang emosyon ang kaniyang mukha.

Nang makababa siya ng hagdan, napahinto siya nang makita ako. Ang pagtahak niya ngayon ay patungo sa aking gawi. “Come with me.” Hinawakan niya ang aking pulsuhan.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu