Chapter 16:

1.2K 42 3
                                    

Hide’s POV

“May kilala ka bang Theo?” Nagtatanong ako kay Cure kahit panay tingin sa formal suit na aking susuotin mamayang gabi.

“Mayroon,” kaswal niyang sagot. Nakahalukipkip pa ang mga braso kaya tinaasan ko siya ng kilay, sinasabing ituloy ang kaniyang nalalaman. “Kaklase ko siya noong grade six, bakit?”

Pasimple akong bumuntong-hininga. “Alam kong maraming Theo sa mundo pero hindi iyan ang tinutukoy ko. Do you know secretary’s boyfriend named Theo?” Paglalantad ko na ng aking gustong malaman.

“Oh? May boyfriend si Ysreal?” Nilagay niya ang kaniyang hintuturo sa baba at umaktong nag-iisip. “Ang lalakero niya naman kung ganoon. May asawa siyang si Hugo tapos may boyfriend na Theo. What do you think, Hide?”

“Alam mo? Hindi mo nasasagot ang tanong ko.”

Pabagsak kong sinara ang closet.

“Sus, ang aminin mo, ayaw mong marinig ang pangalan ni Hugo dahil nagseselos ka. Palaisipan pa nga sa atin kung ano siya ni Ysreal but I have three options, Hide. Una, kapatid siya ni Ysreal. Pangalawa, suitor niya. Pangatlo, baka asawa niya talaga?”

“You’re right, lalakero siya.” Pasimple akong suminghal para hindi niya mahalata.

“Sandali, ano bang mayroon sa Theo na ‘yan?”

Binagsak niya ang katawan niya sa sofa.

“Wala naman.” Kaila ko kahit panay pasok sa isip ko ang nakita ko. Kumukulo ang aking dugo kapag naaalalang kung paano siya makitungo sa nobyo niyang si Theo. Medyo malandi ang boses niya. “Argh!” Hindi ko napigilan ang aking inis. “She should be the one who feels guilty because she kissed me back even though she had a boyfriend!”

“What, Hide?” Sinipat ko ang mukha ni Cure na nakakunot ang noo. “You don’t need to answer my question dahil narinig ko naman ang sinabi mo. You kissed her? Just a reminder, Hide. Evidence is what you need from Ysreal.”

“Alam ko.” Depensa ko agad sa sarili. “Hindi ko naman sinady—”

“Not your intention? You said she kissed you back. She won’t kissed you back if you don’t want to. You have a wife in Italy. What if she finds out you’re cheating on her? Idadamay ko ang asawa mo dahil hindi ka naman nanghahalik ng ibang babae. You hate girls, right?”

Ako naman ang nainis sa sinabi niya. “I never cheated, Cure. Wala akong asawa.”

“Ay, sorry. I forgot. Hays, minsan na nga lang magseryoso, nagkamali pa ako.” Napatampal siya sa sariling noo. Baliw talaga. “Mag-asikaso ka na. Maraming bisitang darating mamaya. Malay mo nandoroon ang babaeng mapapang-asawa mo.”

Naglakad ako patungo sa banyo. “Malamang na nandoroon. I’m with her.”

“Hindi ko narinig ang huling sinabi mo, Hide. Baka minumura mo na ako.”

“Whatever, Cure.”

NAG-UMPISA ang ganap sa kaarawan ng aking nanay. Masyado pang maaga pero ang dami ng mga bisita. Kani-kaniya silang p’westo sa mga lamesa.

Hindi ako makaalis sa mahabang lamesa na ito dahil kay dad. May kausap lang naman siyang dalawang mag-asawa. Kumustahan daw kaya pati ako nandirito, kasama ko si Serious na nakaiintindi sa kanila. Si Serious ang laging kasama ng mga magulang ko. Alam niya ang pakiramdam ng ganitong mga panggayari.

“Matagal na rin tayong hindi nagkausap, Avren.” Baling ng tatay ko sa lalaki. Kung mag-usap sila ay tila nasa kanto. Mukhang magkakaibigan silang tatlo. “Simula nang magkapamilya tayo, napabayaan na natin ang ating pagkakaibigan.” Pansin kong sumulyap sa akin si dad. “Kumusta ang anak mong babae?”

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzWhere stories live. Discover now