Chapter 7:

1.1K 37 15
                                    

Hide’s POV

Tamad akong nakaharap sa aking laptop dahil sa sobrang daming gawain. Ilang araw ko ring iniwan kay Chairman Mile na dapat ay obligasyon ko. Hindi ko pa nakikita ang aking mga magulang kaya berepikadong sasalubong sila sa akin kapag tinangka kong lumabas ng kwarto. Wala naman akong pagpipilian kun’di harapin sila at madahilan nang magdahilan hanggang makumbinsi.

Nawala ang atensyon ko sa laptop nang bumukas ang pinto. Niluwa niyon si Serious na nakasuot ng formal attire. Nakasisigurado akong kasama na naman siya sa mga importanteng pinupuntahan ng aming pamilya. Isa ring dahilan ang pagkamatay ni Seek kaya mahigpit sila sa aming dalawa. Tila kami naging limang taong gulang na dapat pinapaalam ang gagawin at dapat pang bantayan. Sa ganoong pamamalakad nila, ayos lang sa akin. Naiintindihan ko naman.

“Thanks for teaching me about my subject. I got a perfect score. I know you’re tired but you still chose to teach me. You’re the best, kuya.” Ngumiti siya sa akin ng pilit.

Isang araw pa lang ang nakalilipas simula nang ilibing ang kapatid ko kaya apaketadong-apektado pa rin siya hanggang ngayon.

“Tungkulin ko ‘yon.” Pinatay ko ang aking laptop bago ngumiti sa kaniya. “Aren’t you leaving yet?” Tila kasi natigilan siya habang ang mga tingin ay nasa akin lamang.

Nabalik siya sa huwisyo at tumingin sa kawalan. “Have you been with your girl for a few days?” Napataas ako ng kilay sa kaniyang tanong. Mabilis muli siyang nagsalita para baguhin ang aking reaksyon. “You have a scratch on your neck. A woman’s scratch.”

Napakama ako sa aking leeg. Nangunot ang noo dahil may mahaba ngang kalmot. Isang babae lang naman ang nakasama ko sa iilang araw. Wala naman akong matandaan na kinalmot ako nito. Hindi ko rin naramdaman pero kung kalmot nga ito ng babae, sa kaniya ito galing.

“Don’t mind it.” Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. “I need to face our parents. Handa naman ako sa sermon nila. Let’s go.”

Sinarado ko na ang pintuan at naunang naglakad.

Nasa likuran ko si Serious. Nakuha nitong magsalita. “Mom will ask where you got your scratch. Magagalit siya sa ‘yo.”

Hindi ko siya nilingon. Tinuloy ko lang ang pagtahak sa sala. “Edi sasabihin ko I had sex with woman.”

“What?!” Napangiti ako sa kaniyang reaksyon. Pinantayan niya ako para hawakan sa dalawang balikat. “Seriously? Kaya mong sabihin iyan kay mom? Kuya Seek is afraid to tell mom that he kissed a girl. Nakatatakot si mom, kuya.”

Napatitig ako rito. “Magkaiba kami ni Seek.”

“I see.”

Hindi na kami nagtalo nang makita namin sina dad at mom na nakaupo sa sala. ‘Gaya ni Serious, maayos din ang kanilang damit. Mukhang may importante nga silang lakad.

“You’re late.” Si dad ang unang nakakita sa akin. Sa sinabi niya ay nakuha akong tingnan ni mom. “Let’s talk about what you did. Wala ka ng ilang araw. You left all the work to Chairman Mile. You just came home from the Philippines, you’re doing something we don’t know about.”

Prente akong sa sofa. Sisimsimin ko sana ang kapeng nasa harapan ni mom ngunit ayaw niya niyon kaya nagpakuha ako sa isang katulong.

Hinarap ko si dad. “Miss ko lang ang Pilipinas kaya nakukuha kong magbonding with my friends. Wala rin sina Hide at Cure, right?”

“You even left your car at the bar.” Blanko ang mukha ni mom na nakatingin sa akin pero mahinhin ang kaniyang pananalita. “For what reason?”

“Because I’m drunk? I forgot, sorry.”

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon