Chapter 23:

1.3K 32 2
                                    

Hide’s POV

“So what’s your explanation?” Nakataas ang kilay ko habang nagtatanong kay Reid about his boyfriend.

Hindi namin siya nakompronta noong isang nakaraang araw dahil nagyayang magdinner si Laureia.

“Wow, secret relationship pala, huh,” ani Cure habang pinapaikot ang ballpen sa kaniyang mga daliri. Nakatuon lamang ang atensyon niya roon.

Nawala ang maangas na hitsura ni Reid. Tila naging maamo siyang tuta sa aming harapan, ramdam ko ang kaba sa kaniya.

“Galit kayong dalawa?” tanong niya.

“Of course not!” Binitawan ni Cure ang ballpen at hinarap ang kaibigan namin. “Bakit hindi mo agad sinabi sa amin? Marunong ka nang magsikreto, huh! We’re not friends na ba?” Tila naiiyak na ang baliw.

“May sikreto rin naman si Hide.” Mas tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. Hindi nagbago ang reaksyon ko. Huminga siya nang malalim at muling nagsalita. “Sorry na, I’m not ready for that, okay? Kinalaban ko pa ang mga magulang ko for him. Private relationship dahil doon.”

Napatawa ako nang mahina sa kaniyang sinabi kaya napatingin silang dalawa sa akin. “Private relationship?”

“Sandali nga!” Tumayo si Cure, pumagitna sa aming dalawa. “Akala ko ba kakausapin lang natin, Hide? Bakit parang gusto mo namang suntukin?”

Hindi ko siya pinansin. “Private relationship na alam ni Ysreal?” Kalmado na ang pananalita ko ngayon. “Alam mo bang nag-overthink pa kami ni Cure kung boyfriend siya ni Ysreal?”

Biglang nagpakawala ng halakhak si Reid.

“Oy, sandali ulit.” Ngumuso si Cure. “Ikaw lang kaya nag-overthink niyon, Hide. Nagtanong ka lang sa akin.”

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Akala ko makukuha siya sa paganoon ko pero hindi, nakuha niyang tumawa kasama si Reid.

Hays, junior high school pa lang kami ganiyan na sila. Gustong-gustong hulihin ako sa mga bagay. Wala naman silang mahuhuli sa akin. Shut up.

“Hoy, Reid, what’s his line?” tanong ni Cure habang pinipilit tumigil sa paghalakhak.

“Conan na naman?”

Mas lalo silang nagtawanan sa sagot na iyon. Hinayaan ko lang silang dalawa.

Sunod namang nagtanong si Reid. “What’s his line, Cure?”

“She should be the one who feels guilty because she kissed me back even though she had a boyfriend!” Panggagaya ni Cure sa sinabi ko nang magtanong ako sa kaniya tungkol sa Theo. Gulat naman ang mga mata ni Reid, naintindihan ang sinabi nito.

Hinawakan ko ang folder na walang laman kung sakaling magsasalita siya tungkol doon.

“And?”

Hindi natuloy ang sagot ni Cure nang pumasok ang sekretarya ko. Hindi dapat siya pumasok dahil handa ko nang batuhin ng folder si Reid. Hindi siya nagulat nang makita ang aking mga kaibigan, pigil tawa pa rin ang mga ‘to.

“What do you need?”

“Good morning.” She gave me a small smile. “From Architectural Firms, they need your approval.”

Nilapag niya sa mesa ko ang folders.

“Hindi niya na ako mababato ng folder dahil nandiyan bubu girl.” Rinig ko pang sabi ni Reid habang nagbubuklat ako ng mga pahina.

“Nawala ang pagkainis ng isa riyan dahil pumasok si bubu girl.”

Mukhang naintindihan ni Ysreal ang sinasabi ng mga ‘to kaya hinarap niya ang dalawa. “Can you just respect his wife?”

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon