Chapter 24:

1.3K 35 1
                                    

Ysreal’s POV

Ito na nga ba ang sinasabi ko, nagkalat na nga ang litrato namin ni Conan. Maraming babaeng may gusto ang nagalit at nagulat, hindi nila inaasahan na may secret girlfriend ito.

Nadamay pa ang pangalan ng kumpanya ni Hide na bakit daw sa Laur Enterprises kami naglalandian o nagkikita? Marami silang chismis na kinalat, nagbabasa lamang ako. Wala naman akong balak idepensa ang aking sarili. Si Conan dapat ang gumawa ng paraan para dito.

Nawala ang pagtingin ko sa mga komento at captions sa social media nang may biglang tumawag, pangalan agad ni mom ang aking nakita. Alam ko na kung bakit siya tumawag.

“Ano na namang ginawa mo, Ysreal?!” Matinis na boses ang binungad niya sa akin. Sa pananalita niya palang, mainit na ang kaniyang ulo. “Hindi mo hawak ang isip ng lahat! Sirang-sira ka sa ibang kababaihan! Huwag kang didikit kay Conan!”

Hindi naman ako natakot sa paganiyan niya. Kalmado lang akong nakipag-usap. “You can fix my problem, mom.” Pang-aasa ko pa. Dapat si Conan ang sisihin niya dahil iyon ang hindi nag-iingat. “Nadamay lang naman ako. Malay ko bang maraming fan girls si Conan dito.”

“Paano kung malaman ng lahat kung anong apelyido ang dinadala mo?! Damay na naman ang pamilya natin!” Sunod-sunod ang kaniyang pananalita.

Kung nag-ingles pa ang nanay ko baka hindi ko na maintindihan dahil sa ka-walang preno.

Natawa ako sa naisip. Alam kong mas lalong madadagdagan ang inis niya pero tinuloy ko pa rin ang nasa isip ko. “Edi ipakilala mo ako sa lahat para wala ka ng problema, mom.”

“Saka na kapag lumuhod na ang tatay mo sa harap ko.” Kalmado lang ang pagkakasabi niya pero litaw na litaw sa aking pandinig ang kaniyang inis. “Tell Conan to sort out the news about you two. Delete all posts!”

“Yes, mom, I will.”

Pinatay niya na ang tawag kaya napangiti na lang ako. Ayaw na ayaw niya talagang kumakalat ang mukha ko sa social media. Wala naman ng dahilan para gawin niya ‘yon sa akin. No, mayroon pa pala. Iyong mababaw.

Muli na namang tumunog ang aking cellphone. Pangalan agad ni Fail ang aking nakita. Kauusap lang namin kagabi. Baka iisa lang ang pakay nila ni mom kaya gusto akong makausap.

“Gági ka, ‘te!” Sigaw niya kaya nailayo ko ng kaunti ang cellphone sa tainga. “Akala ko ba galit ka kay Conan?! Bakit kayo magkasama, huh?! Lagi ka na lang na-iissue, huh!”

“Naisantabi ko ‘yong galit ko.” Pagsasabi ko ng totoo.

“Edi maganda iyan!”

Kung ano-ano pa ang pinag-usapan namin ni Fail hanggang matapos ang kadaldalan niya.

Bumalik ako sa mesa para magtrabaho muli. Abala ako sa pagsusulat nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Hide. Ang unang lumabas sa pinto ay ang kaniyang asawa, sumunod siya roon na may nakakunot na noo. Sa akin agad napunta ang tingin niyang masama.

Parang kahapon lang ay nilalagnat siya tapos pinapatay niya ako ngayon sa tingin niya? Sinaltik na naman ang lalaking ito. Buti nandirito ang asawa niya para may umintindi sa kaniyang kasaltikan.

“Kung maglalandian kayo ni Conan, huwag niyong idamay ‘tong pangalan ng kumpanya. Hindi ‘to dating park.” Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Ganoon din si Laureia. “Kaya pala nagmamadaling umalis kahapon.”

Gusto ko sanang sabihin na akala ko ba hindi ka sinipot ng asawa mo? Bakit kayo magkasama ngayon? Marupok ka ba at napatawad mo na? Astig mo naman pala, boss.

Pero sa isip lang ‘yan, baka matanggalan ako ng trabaho o mag-away sila ng asawa niya. Kailan pa ako naging maninira? Baka mamaya, halik-halikan ko si Hide. Joke. I have Seek, invisible lang siya ngayon.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzWhere stories live. Discover now