Chapter 21:

1.5K 33 3
                                    

Hide’s POV

Bumalik sa normal ang lahat. Ako na nagtatrabaho, inaasiko ang aming kumpanya dahil iyon ang pangako ko sa aking mga magulang. Wala na akong inaasam, ang tanging kailangan ko lang naman ay ang hustisya ng kapatid ko. Natahimik ako roon pati ang aking mga magulang.

Natapos ang kaso ni Seek pero kung si Ysreal ang pag-uusapan, hindi pa yata tapos sa kaniya. Sa tingin ko, nangungulila pa rin siya sa pagkamatay ni Seek. She’s still my secretary, tinatago ang tunay niyang nararamdaman. Maayos ang kaniyang sarili kapag oras ng trabaho pero kung babasahin mo ang mga mata, mabigat ang kaniyang dinadamdam.

Dapat ko bang ipag-alala iyon? Lumipas ang ilang araw, hindi na si Hugo ang dumadalaw kay Ysreal, bagong lalaki na nangangalang Conan. Naalala ko siya, siya ‘yong lalaking dumumog ng mga babae rason para bumagsak ang katawan niya sa sahig.

Sikat nga ang lalaking ‘yon pero wala akong alam tungkol sa kaniya. Ang alam ko lang, nagagawa niyang inisin ang aking sekretarya. Minsan nga dinadalhan niya pa ‘to ng bulaklak, may mga araw na sweet ang lalaking ‘yon. Hindi naman ako nangialam, pinanood ko lang sila. Lagi na kasing namamalagi sina Cure at Reid dito, ayoko namang may mahalata na naman sila.

“Saan pupunta ‘yon?” tanong ko kay Cure nang lumabas ng resto si Reid.

Hindi ko na maintindihan ang lalaking ‘yon, tila araw-araw siyang wala sa mood. Hindi naman kasi showy si Reid sa kaniyang nararamdaman. Kapag tinanong naming dalawa, wala lang ang kaniyang sasabihin. Umaaktong animong babae.

“May family dinner yata sila mamaya,” sagot ni Cure na nakatingin sa likuran ni Reid habang naglalakad paalis. “Hindi ko rin alam ang problema niya pero yayayain niya raw si Ysreal. Sa tingin mo, bakit?”

Napataas ang kilay ko sa narinig. Oo nga naman, bakit naman yayayain ni Reid ang aking sekretarya kung family dinner naman pala?

“May plano siyang hindi niya sinasabi sa atin.”

Hindi na ako nakipag-usap kay Cure. May pinili ko kasing isipin kung bakit kailangang kasama si secretary sa kanilang family dinner. Hanggang bumalik ako sa opisina, iyon pa rin ang nasa isip ko. Dahil desperado akong malaman ‘yon, patungo ang mga paa ko sa mesa ni secretary. Abala siya sa kaniyang ginagawa.

“Secretary.”

“Hide—No, Sir Hide?”

Napataas ng kaunti ang kaniyang balikat. Medyo nagulat siya. Habang ginagawa ang kaniyang trabaho, lumilipad ang kaniyang isip.

“Nakausap mo ba si Reid?”

Hindi naman kasi malapit sa isa’t isa sina Reid at secretary. Kagaya ko ay walang interes sa babae ang lalaking ‘yon. Hindi kaya secret girlfriend na naman si secretary kay Reid?

”Yes, sir.”

“Anong sabi?”

Napatigil siya. Inisip pa kung anong isasagot. “Wala naman ho. He asked me for a date. Iyon lang.”

“What?” Pasimple akong napahinga nang malalim at napaikot ng mga mata. “Date? Para saan? Bakit nagyaya? Alam ko family dinner iyon. Hindi siya nakikipagdate sa babae. I mean, he hates women.”

“Ewan ko rin po.” Bumalik siya sa pagsusulat. “Wala naman po akong gagawin mamaya kaya pumayag ak—”

“I have family dinner, too. Come with me.”

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. “Sorry, sir. Napapayag na kasi ako ni Reid. Nakahihiya naman kung tatanggi ako. Pasensya po.”

Bahagya pa siyang yumuko at hindi na ako pinansin.

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzWhere stories live. Discover now