Chapter 30

2.7K 44 0
                                    

3rd person's POV

Bumalik si Serra sa hospital dala ang mga pinamili niya. Pagkarating niya doon nadatnan niya si Oliver na masayang nakipag-usap sa anak niyang si Izan.

Sa sobrang masinsinan nilang pag-uusap hindi man lang nila naramdaman ang pagpasok niya.

"Manang kanina pa ba si Oliver dito?" Tanong niya sa matanda.

"Oo maam. Dumating si sir mga ilang minuto lang ang nakalipas pag-alis mo kanina."

Inilagay niya sa couch ang kanyang mga dala at lumapit sa kinaroroonan ng dalawa.

"Mukhang masaya ang pinag-uusapan niyo ah." Pagkukuha ni Serra ng atensyon nila.

"Mommy," masayang banggit ng anak.

"Kakaalis mo Lang daw kanina Sabi ni manang nang dumating ako dito."Sabi ni Oliver. "Btw, how's the result of the CT Scan of Izan?" He asks.

"Thanks to God. It's normal." Sabi ni Serra na may himig ng kasiyahan.

"That's good to hear." Sabi ni Oliver.

Bumalik sa pag-uusap ang dalawa at si Serra naman ay nagpaalam na maligo muna.

Pagkatapos niyang maligo at inayos ang sarili lumabas siya sa CR at nadatnan niya ang mga kaibigan na nakapalibot sa anak at wala na Si Oliver.

Sabi ni manag Lita nagpaalam itong umalis ng dumating sina Denice.

"Hey, Bi... Oh sorry, Serra." Tawag sa kanya ni Nazli
"Ang cute ng anak mo. Pakiramdam ko kasing gwapo nito ang ama niya." Dagdag na Sabi nito.

Hindi mapigilan ni Serra na palihim na mapaismid sa sinabi ni Nazli.

"Syempre, gwapo naman talaga si Sir Saldivar." Pabirong pahayag ni Erica.

"Hmmmmm"Sabi ni Nazli na ikinatawa nila ni Erica.

Si Denice naman ay tahimik lang na nakikinig sa mga kaibigan niya habang minamasdan ang pamilyar na mukha ni Izan.

"Papa Oliver, is not my real dad." Pahayag ni Izan na ikinatigil ng lahat. "Mommy, is it not bad that they'll know about it right? Friends mo naman sila." Inosenteng pahayag nito.

Tumaas ang kilay ni Denice ng marinig ang pahayag ng bata at tiningnan si Serra ng seryoso.

Si Nazli at Erica Naman ay tahimik sa kanilang kinauupuan at binigyan ng tingin ang kaibigan na parang nagtatanong na, alam ni Izan?

Alanganing ngumiti si Serra sa anak at binigayan ng tango ang mga kaibigan.

"It's fine, anak." Sagot niya sa tanong ni Izan.

"I wish I could see him but that's impossible to happen." Malungkot na pahayag ng anak.

Nakaramdam Ng kaunting konsensya si Serra.

"Don't be sad, baby Izan. Kamukha mo naman ang dad mo." Sabi ni Nazli.

"Kaya kung may makita kang lalaki na kamukha o kahawig mo. Sigurado, siya ang iyong daddy." Pabirong pahayag naman ni Erica.

Napahilot si Serra sa kanyang noo.
"Bakit pala kayo nandito?" Pag-iiba niya ng usapan.

Tumayo si Nazli at sinagot siya. "Dumalaw sa gwapo mong anak at sa iyo na din."

"Rinig namin tapos na ang isinagawang CT scan sa kanya at ok naman ang result." Pahayag ni Erica. "Kailan kayo lalabas?" Dagdag Niya.

"Baka sa susunod na araw." Sagot ni Serra at umupo sa couch.

Sa kabilang banda, sinundo ni Ferit si Senna sa mansyon ng mga Monteclaro.

"Ferit, how are you? How was your business trip?" Tanong sa kanya ni Stefan.

Accidentally Pregnant By My Twin's Fiance (UNEDITED)Where stories live. Discover now