CHAPTER 50

2.2K 34 0
                                    

Maagang iminulat ni Serra Ang kanyang mga Mata.
Tumambad sa kanya Ang puting kesame ng silid ni Ferit.

Ibinaling Niya Ang ulo sa anak ngunit laking gulat Niya na si Ferit na Ang kanyang katabi at Ang anak ay nakadagan sa lalaki.

Malayang minasdan ni Serra ang mag-ama na mahimbing Ang tulog.

Izan looks comfortable sleeping on the top of the body of his father.

May Kung anong naramdaman si Serra na Hindi Niya maintindihan.

"I'm sorry" she whispered while looking at Ferit and Izan. "Sana Hindi magbago Ang pakikitungo mo sa anak ko, Osman. Na kahit anong mangyari manatili iyang pagmamahal mo para sa anak natin." Pahayag Ng dalaga.

Huminga siya Ng malalim at umupo sa Kama para mahalikan ang pisngi ng anak.

"Mommy will do everything for you baby." Bulong niya sa anak.

Dumiritso si Serra sa banyo para maghilamos, magtoothbrush at naligo na Rin siya bago lumabas sa silid ni Ferit.

Bumaba siya at dumiritso sa kusina.

"Magandang umaga po, ma'am." Bati sa kanya ng apat na kasambahay na busy sa pag prepare Ng lulutuin.

"Morning" bati Niya pabalik.

"Ano Ang gusto niyong inumin ma'am? Ipagtimpla ko Po kayo." Ngiting Sabi Ng Isa sa kanila.

"Mayroon siyang sariling kamay Nena. Hindi mo kailangan na ipagtimpla Ang babaeng iyan." Masungit na Sabi ng may katandaan sa kanila.

Kung Hindi magkamali si Serra Ito ay si manang Hulya ang mayordoma Ng mansyon ni Ferit.

"Thank you Ms. Nena. Tama nga Naman si manang Hindi mo ako kailangan ipagtimpla. I'm not disabled. I can do it on my own." Seryosong pahayag niya.

Na ikinayuko Ng babae at tiningnan Ang matanda na nakatingin Ng seryoso sa kanya.

"Hindi ko akalain na ganito pala kabastos Ang kambal ni Senna." Pagpaparinig sa kanya Ng matanda

"Hindi ho ako magiging bastos Kung Alam Kung deserve Ng taong kaharap ko Ang respeto especially mga matatanda. I bet ganyan Ang pakikitungo mo sa akin because of the negative rumors you heard a lot about me." Pahayag Ng seryoso ni Serra at Hindi nagpatinag sa mga matatalim na tingin Ng matanda.

"Ibang iba ka sa iyong kambal. Ganito pala kasama ang ugali Ng bunsong anak Ng mga Monteclaro."

"You're right I'm far from my twin...... At Hindi ko ipagkaila iyan.... Alam niyo ho Hindi ko kailangan na baguhin Ang sarili ko para sa ibang Tao."
Naging tahimik Lang ang ibang kasambahay sa sagutan nila ng matanda. "Marunong akong gumalang sa iba Kung ginagalang din ako at Hindi pinapakialaman. Kung may problema Po kayo sa akin. Kausapin niyo ho ako dahil handa akong makinig." Pahayag Ng babae at umalis palabas.

"Adelaine, Hindi mo man napigilan Ang iyong sarili." Bulong niya at napasandal sa upuan.

Ilang sandali ay may naramdaman siyang Tao na papalapit sa kanya.

"Ma'am, heto ho ang kape ninyo at sandwich." Pahayag Ng babae at inilagay Ito sa mesa sa kanyang harapan.
"Ako nga Po pala si marites. Pagpasensyahan niyo na Po si manang Hulya. Ganyan talaga iyon masungit at medyo may pagkaterror."

"Salamat, marites. Paumanhin din Kung narinig niyo iyon galing sa akin. Hindi ko Kasi napigilan Ang sarili ko eh."

"Ok Lang ma'am naintindihan ka Rin namin. Sa katunayan mabait Naman iyang si manang Hulya. Malapit iyan Kay ma'am Senna at Isa siya sa nasaktan sa biglaang paghiwalay nila Sir Ferit. Siguro hindi pa Rin naka move on si manang Kaya ganoon na lang Ang pakikitungo Niya sa iyo... Naku napakadaldal ko talaga. Sige balik na ho ako sa kusina."

Accidentally Pregnant By My Twin's Fiance (UNEDITED)Where stories live. Discover now