Chapter 3

25 4 6
                                    

Nakarating ako sa bahay dala ang nasa listahan. Salamat ng marami kay Zandriel sa pagtulong sa akin kung hindi ay baka kung ano na lang ang binili ko sa palengke.

"Narito na po ako! La?" Pumunta akong kusina at nakitang naroon si Lola at umiinom ng tubig.

"Hay, buti naman at narito ka na. Nabili mo ba lahat, apo? Ay naku, nakalimutan ko palang hindi ka pa masyadong marunong sa pagpili ng isda. Kumusta naman ang mga pinamili mo?" Natawa na lang ako sa kay Lola. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ito sa magkabilang balikat at marahang menasahe ito.

"'La, stress naman po kayo masyado. Nabili ko po lahat, 'la, at huwag po kayong mag-alala dahil ayos po lahat," nakangiting pahayag ko sa aking Lola.

"Paano? May tumulong ba sa iyo?"

Nagulat ako roon. "Paano mo po nalaman?"

"Ay! Hindi mo naman mabibili lahat kung walang tumulong. Sabihin mo, sino ang tumulong sayo, apo? Iyon ba ang anak ni Andres?" Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Po? Anak ni Andres? Sino pong Andres? Bonifacio po ba?" Biro ko. Hinampas naman ako ni Lola ng kangkong na ikinatawa ko na lamang.

"Batang 'to! Si Andres Cipriano, hindi mo kilala? Apo, alam kong anak niya ang palagi mong sinisilip sa palengke," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Hala, si Lola! Hindi ah! Saka anong naninilip po? Wala po akong sinisilip ah!" Grabe 'tong Lola ko ah.

Natawa ito. "Ah, palitan natin," tumikhim pa ito bago nagpatuloy. "Iyong lagi mong ninanakawan ng tingin sa palengke. Iyong lalaking guwapo, matangkad at palaging tumutulong kay Tasya, ano?"

Si Aleng Tasya iyong sinasabi niyang tindera na laging tinutulungan ni Zandriel. Teka...

"Andres Cipriano po? Anak niya po si Zandriel?!" Bulalas ko nang mapagtanto.

Si Andres Cipriano ay kilala rito sa lugar bilang isang mayaman na may gintong puso. Malawak ang lupain ng kanilang pamilya at may marangyang buhay pero ni minsan ay wala akong narinig na pang aalipusta at pagiging masama na ginawa nito, lahat ay kabutihan! At halos lahat sa bayang ito ay pinupuri ang kanilang pamilya dahil sa pagiging perpekto.

Anak ng... Bakit ngayon ko lang narealize?

Tumawa ang Lola sa reaksiyon. "Siya nga, apo. Hindi ba't inihatid ka na ng binatang iyon dito?"

Napahugot ako ng malalim na hininga. "'La, wala lang po iyon ha? Kaming dalawa po talaga ni Chesa ang inihatid noon kaso nauna lang iyong kaibigan ko."

"Wala naman akong sinasabi, apo. Napaghahalataan ka e," tukso nito.

"Lola!" Halos mapapadyak ako dahil sa panunukso nito.

"Oh, siya, siya. Ayusin na natin ito, ayusin mo rin ang mukha mo at mukha ka nang kamatis. Hawig mo na oh," nilapit pa nito ang pulang kamatis sa pisngi ko.

Napanguso na lang ako at napahawak sa pisngi. Maiinit na nga ito at paniguradong hindi nagbibiro si Lola na mukha na akong kamatis. Naman kasi e! Lola e!

Once again, nag volunteer akong magluto. Marunong kaya akong magluto 'no! Kunti lang ang alam kong lutuin pagdating sa may sabaw, kailangan ko pa ng practice for the future. At saka isa pa, practice makes perfect!

Gabi na nang makauwi si Ate, mga alas nuwebe ata iyon ng gabi at gising pa ako nang mga oras na iyon dahil sa pagsagot ng mga assignments ko.

Hindi ko na inabala ang kapatid ko dahil alam kong pagod na siya galing sa trabaho at kailangan niya ng pahinga. Hindi pa ako inaantok kaya nanood muna ako ng korean drama, si Cha Eun Woo naman ngayon.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now