Chapter 27

9 1 1
                                    

Chapter 27

“Ladies and gentlemen, all cellular telephones and other portable electronic devices, such as CD players and laptop computers, must be turned off and stowed for departure. Thank you.”

We check every passengers kung naka turn off na ba ang gadgets nila. Nang matapos at wala naman kaming nakitang pasaway ay nag prepare na kami para sa departure.

Moments after ay nasa loob na kami ng airport at naghanap ng restaurant na kakainan malapit lang dito sa airport ng Dubai. Mamaya after 2 hours ay may flight kami papuntang Jakarta at doon na kami magpapahinga. Kung dito sa Dubai ay ala una palang ng hapon, sa Pilipinas naman ay nasisiguro kong alas sinco na.

"Reia, can I ask a question?"

Nilingon ko si Miss Mizzy nang lumapit ito sa akin. Nagtataka man ay tumango ako sa kaniya.

"Do you know Zandriel Cipriano?"

Natigilan ako sa tanong niya at tinitigan siya.

"Bakit po?"

Ngumiti lang naman ito sa akin. "Nothing. Uhm, nevermind."

Tumalikod na ito at pumunta sa ibang crew at nakipag usap. Ako naman ay na tahimik at hindi na nagsalita pa. She knows him. Ganoon ba talaga siya ka kilala ngayon? I once saw his face on facebook and it seems like they are giving him credits for creating such wonderful building and towers.

Tahimik akong nag iisip ng kung ano ano sa tabi nang tumunog ang cellphone ko. May sinend na picture si Chesa.

Chesa:

Sent a photo.

Oh wow! Look, Reia, oh. Na belong siya sa Hot Bachelors ng Pilipinas. Wews!

It was a photo of Zandriel in a magazine that contains information of Bachelors. Akala ko noon ang ganito ay sa mga artista lang but then I remember na hindi pala lahat ng na featured sa magazine ay artista. Some were business men, doctors, lawyers, and even engineers.

Chesa:

Ang dami nila! Hindi ako makapili.

I rolled my eyes before I typed a reply for her.

Reia:

Where did you get that? At alam ba yan ni Devin?

Chesa:

Hala, hush, girl! I got this for you. Okay? Sa kwarto mo to nakalagay para kunwari sayo. Though para sayo naman talaga.

Chesa:

Advance birthday gift ko sayo. Matuwa ka please!

Reia:

Bahala ka nga!

Hinayaan ko nalang ang kaibigan ko. Siguro sa sobrang bored niya ay ako pa ang naisipan niyang pagtripan. Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari sa bruhang iyon. Naaalagaan ba iyon ng maayos ni Devin? Kasi parang hindi e.

Matapos ang ilang oras ay nasa Jakarta na kami. Kasama ko sa iisang kwarto si Pat at hindi na kami gaanong nag usap dahil parehong pagod at wala nang ibang gustong gawin kundi ang magpahinga.

Nang oras naman ng flight ay umalis na kami. Hindi ko alam kung anong ginawa ko buong araw dahil parang pagod na pagod ako. Nang nasa Pilipinas na kami ay kasabay ko si Captain Sean na naglalakad palabas ng airport. Ang iba naming crew na kasama ay nauna kaya kaming dalawa nalang ang naiwan.

"May sundo ka ba? Gusto mo ihatid na kita?" Tanong nito.

Napakurap naman ako sa kaniya. "Huh?"

"Gabi na kasi, Reia."

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now