Chapter 23

8 0 0
                                    

"The passenger's wallet!" Nataranta ako nang makita ang wallet na iyon sa sahig at nang buksan ay nakita ang ID ng pasahero.

"What?! Go, give it. Nandito pa iyon."

Wala akong sinayang na oras at agad na tumakbo sa gitna ng maraming tao. Nahirapan akong hanapin ang may ari dahil sa dami ng tao at hindi ko na maalala ang damit na suot nito. Hindi ko na mabilang kung ilang mura na ang lumabas sa bibig ko.

"Excuse me! Excuse me!"

I finally saw the woman. It gives me relief when I saw her talking to the guards about something and maybe it was about her wallet because she's looking for something in her bag.

"Ma'am! Ma'am!"

Malapit na ako sa kaniya nang may malakas na bumunggo sa balikat ko. Napasinghap ako at inikot ang sarili para hindi madapa ng paharap at sinubukang ibalanse ang sarili pero mukhang malas ako dahil natapilok pa ako. Ipinikit ko nalang ang aking mata at hinanda ang sarili sa impact nang may naramdaman akong pumulupot sa baywang ko.

Nang imulat ko ang aking mata ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi nakapagsalita. Awang ang bibig akong tumingin sa mga mata niya na walang kahit anong emosyon. Sa tinginang iyon ay bumilis ang tibok ng puso ko at para akong nawalan ng hininga.

He helped me stand without uttering any words. When my senses came back to me, I stepped backwards.

"Excuse me, Miss? Is that.... My wallet?" Nilingon ko ang nagsalita at nang makitang ang ginang ito ay pilit akong ngumiti.

"U-Uh. Uhm, yeah. You dropped this... Uhm, at the gate. Here you go, Ma'am. Please secure your bag next time. We must avoid this to happen again."

"Yes, yes. Thank you so much, young lady," hinawakan nito ang kamay ko. Ngumiti ako saka tumango.

Nang tumalikod na ito paalis ay nilingon ko ang kinatatayuan ng lalaki at nakitang nandoon pa ito at matiim na nakatingin sa akin. I was looking at him with so much emotion that I know from that very moment that it was really visible in my eyes.

Umiwas ako ng tingin, ngumiti at pormal na yumuko sa kaniyang harapan.

"I'm sorry for bumping into you, Sir."

When he didn't say anything, I look up and saw him leaving. A bitter smile crept in my face. I close my eyes tightly to stop my tears from falling. I shouldn't cry. You can't cry, Reia. Remember, you're the one who left. You're the one who pushed him away. You're the one who hurt him. And you have no right to cry.

Hanggang sa makarating sa hotel na tutuluyan namin ay laman iyon ng isip ko. Tahimik akong nakatitig sa buwan habang dinadama ang haplos ng malamig na hangin sa aking balat. Nang hindi talaga ako makaramdam ng antok ay kinuha ko ang aking jacket at bumaba. I went to the near convenience store and bought some beer. May tables doon sa labas kaya doon ako umupo at tumambay.

I watched the people, the cars, and the city lights while drinking my beer. Sinuklay ko ang aking buhok na lagpas balikat.

"Hi, Miss. Need a company?" Someone suddenly approached me out of nowhere.

"Uhm, no, thank you," I smiled politely.

Good thing at hindi ito nangulit. Nang maubos ko na ang tatlong bote ng beer ay naglakad lakad na muna ako. This is my longest stay in another country. I should cherish this moment and enjoy my stay here.

Napangiti nalang ako. Nakaramdam na ako ng pagod kaya nag decide na akong bumalik at magpahinga. I have work later. From here in Hongkong, ang next destination ay Vietnam and then back to Hongkong then Philippines.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now