Chapter 10

8 3 0
                                    

Hinatid na kami ni Devin sa Conci Resort, 'yan ang venue ng senior nights namin. Resort siya pero bawal maligo ang mga students kasi gabi na at isa pa hindi talaga kasama sa bayad ang pagligo sa pool. De joke lang. Pinagbabawal lang talaga ng head ng school kasi baka mapano ang mga students, sila pa ang masisi.

"Ang gara pala ng event niyo. Sana ako nalang escort mo, Reia," sabi ni Devin matapos kaming pagbuksan ng pinto.

"Sorry, bawal kasi ang mga assistants dito e. Uwi ka nalang ha?" Sabi ko na ikinasama ng mukha niya.

"Sana pala hindi na kita hinatid 'no? Wala kang ambag sa mundo."

"Meron kaya 'no? Alis ka na nga!" Pagtataboy ko.

Nang makaalis siya ay saka ko naman natanggap ang message ni Zan. Nagreply muna ako sa kaniya bago tuluyang pumasok sa hall. Magkasama kami ni Chesa na hinanap ang table nina Faye, nasa iisang table lang kasi kaming tatlo kasama ang partners namin. Buti nga silang dalawa ang kasama ko sa table e, para kahit papano ay may makausap ako.

"O to M to G! Ang ganda mo, Reia!" Malakas ang boses na sabi ni Faye dahilan para tumingin sa amin ang ibang nasa kabilang table. Nahihiyang ngumiti ako at tumawa ng pilit.

"Hindi naman kailangang sumigaw, Faye," sabi ko at hinila ito paupo. Tumawa lang sa ang babae sa sinabi ko bago nakipag kwentuhan samin ni Chesa. "Maraming gwapo mga sis. 'Yong dalawang waiter na naghatid ng food dito kanina, ang gwapo nila!"

Si Faye ay isa sa mga single na walang balak magjowa ulit dahil focus daw muna sa studies pero siya rin 'yong babaeng lumilinaw ang mata kapag may pogi. Bale pogi hunting ang ginagawa nila... I mean, namin. Shut up lang kay Zandriel, baka mapektusan ako no'n. Acting boyfriend pa naman ang lalaking 'yon.

"Nasaan na?" Tanong ni Chesa habang nililibot ang tingin sa paligid.

"'Yon na nga e. Baka mamaya nandito ulit 'yon," sabi niya.

Nagfocus nalang ako sa pagkain na nasa harap ko. Prutas lang naman 'yon at nakakahiya namang 'wag siyang pakialaman kaya kinain ko na. 'Yon naman daw kasi ang role niya sa event na 'to e, ang maging pagkain namin para mabusog kami. Just kidding.

Nagsimula ang event around six ng gabi. Simpleng program lang iyon. May game na naganap that time. Our names was there tapos bubunot ang emcee sa box kung saan nando'n ang name namin. Nagdadasal pa kaming tatlo na sana hindi kami ang mabunot dahil lagot talaga kami. Dalawa from HUMSS at isa galing STEM tapos ang isa ay galing TVL Cookery. Sampu ang sabi nila na dapat mabunot, ngayon ay anim pa ang natitira.

Unang tatawagin ang strand and then grade level. Tatlo kanina ang sa grade twelve at isa ang sa grade eleven. Ang daya lang kasi isa pa lang ang sa grade eleven. Ang ikalimang tinawag ay STEM ulit pero sa grade eleven na. Kinakabahan pa kaming tatlo dahil baka matawag ang name namin.

"'Wag nga kayong kabahan. Sa dami ng students na nandito baka nagtatago 'yong mga pangalan niyo," sabi ni Shim, ang partner ni Chesa. He is from HUMSS 12 and mabait naman siya, may pagkasiraulo rin gaya ni Chesa.

"'Di mo sure. Baka ang next na tatawagin ay pangalan mo," biro ko. Nanood kami ulit at doon kami nagulat nang tawagin nga ang name niya.

"HUMSS 12, Section Emerald. Radshim Tan," nanlaki ang mata naming lahat na nando'n sa table na iyon at natatawang binalingan ang lalaki na hindi rin makapaniwala.

Tumingin ito sa akin. "May sumpa ka, Reia."

"Mukha mo! Doon ka na," pagtataboy ko sa kaniya.

Naging close na namin sila dahil sila ang palagi naming kasama sa practice. Para na rin kaming magbarkada dahil sa mga kalokohan na ginagawa namin minsan kapag nagkikita sa school.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now