Chapter 8

15 3 0
                                    

"Reia! Sige na, magbati na tayo."

Kanina pa sunod ng sunod sa akin ang isang 'to. Lunes ngayon at pambihira nga naman, mula ng sabihin ko sa kaniya kagabi na makikipagbati na ako ay hindi na ako nilubayan. Maski sa panaginip ko kinulit ako!

"Tigilan mo ako," sinamaan ko siya ng tingin.

"Sorry na nga kasi," maktol pa niya.

Napabuntong hininga naman ako saka ngumiti sa kaniya, totoong ngiti. Nilahad ko ang aking kamay sa harap niya.

"There, bati na tayo," sabi ko. Nang marinig iyon ay agad niya akong hinila at niyakap, napasigaw pa ako sa gulat.

"Miss na kita, 'lam mo ba 'yon? Kaso ang sungit mo sa akin," sabi niya. Natawa nalang ako at hindi na nagsalita pa.

Bumitaw ako sa yakap. "Alis na ako."

Nagpaalam ako kay Lola.

Maaga akong nakarating sa room. In fairness, iilan pa lang kami ang naririto. Dahil wala naman akong gagawin ay kumuha na lang ako ng walis at naglinis para mamaya ay makakauwi ako nang maaga.

Padami nang padami ang pumapasok sa room pero ni isa wala man lang tumulong! Bahala na, basta mamaya hindi ako maglilinis.

"Wow, you're so sipag naman, Rei," sabi ni Chesa pagkapasok nito. Inirapan ko lang naman siya.

"I know, right? Hindi gaya ng iba riyan na tamang upo lang, ni hindi man lang naisip na tumulong," pagpaparinig ko.

Natawa si Faye. "Ako na sa upuan, Rei."

"Mabuti pa nga."

Natapos ang paglilinis ko kaya naupo na ako at nakipagchikahan sa kaibigan kong may chika na naman. Nahawaan na ako nito sa pagiging chismosa e, pero ang sa kaniya ay highest level.

"May bago akong crush," kinikilig na balita nito sa akin. Dapat na ba akong magulat?

"Sino naman 'yan? Baka mamaya taken na naman 'yan, ha."

"Hindi! Ano ka ba?" Tumawa ito nang malakas na ikinangiwi ko.

"Umalis ka lang nagkakaganyan ka na? Don't tell me na niligawan ka niyan?" Biro ko lang sana 'yon kaya lang ay nakita ko kung paano dumaan ang gulat sa mukha niya.

Nanlalaki ang matang tumingin siya sa akin. "Omg! Paano mo nalaman?"

Napatakip ako sa bibig.

"Totoo nga?! Gago ka, baka mamaya iiyak ka diyan! Sinasabi ko sayo," sabi ko. "Sino ba 'yan? Baka walang kwenta lang 'yan."

"Grabe ka naman! Ang sama mo."

"Pakilala mo sakin. Tingnan natin kung bagay kayo o hindi at kapag sinabi kong hindi, ekis na agad 'yan ha?"

"Hindi mo hawak ang desisyon ko sa life, Reia."

Napaawang ang labi ko at agad siyang inambahan.

"Lakas ng amats mo! Diyan ka na nga," sabi ko at lumabas.

May flag ceremony pa pala? Akala ko wala na e. Sumabay ako kina Faye papunta sa baba pero kalaunan ay wala na akong kasama, nakasunod na lang ako sa kanila. Syempre, sino ba naman ako?

I'm independent strong woman Do Bong Soon, ay char. But yeah, I can handle myself naman na.

Pagkatapos ng flag ceremony, syempre balik sa room ang anteh niyo. Dahil good student tayo ay nakinig ako ng mabuti sa discussion. Hanep lang kasi may groupings na naman at wag ka, ako na naman ang napiling lider. Mabait naman akong leader, nagiging strict lang ako kapag wala ni isang tumulong sa akin sa paggawa ng mga gawain. Kapag 'yon nangyari ay wala na akong pake kung mas matanda sa akin ang kagrupo ko. Pero minsan nahihiya rin akong pagalitan sila dahil sa age gap namin kaya kahit labag sa loob ay hinahayaan ko nalang minsan.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now