Chapter 9

8 3 0
                                    


Mabilis lumipas ang mga araw. Sa sobrang bilis nagulat nalang ako na paggising ko ay nandito na si Chesa sa bahay at may dalang stylist at make up artist. Nakakashokt ang bruha mga bhe, alam ko namang may event pero ang gulatin ako? Aba, natutulog pa ang tao! Mamayang five pm pa magsisimula ang senior nights! Kalokang 'to.

"Alam mo bang nastress ako dahil sayo?! Ang aga aga nambubulabog ka. Mamayang hapon pa 'yon, hindi ka naman excited," medyo sarcastic na sabi ko.

"Eh, mas mabuti na 'yong maaga," sabi niya at nahiga sa kama ko.

"Maaga nga, literal na maaga."

Tumawa lang siya sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at bumaba na para kumain, mamaya na ako maliligo. Umalis muna 'yong mga stylist na dala ni Chesa. Actually, hindi naman talaga professional 'yong mga dala niya na as in may title. Mga kakilala niya lang 'yon or ng pinsan niya na need ng pera, sideline nila kumbaga. Para makatulong ay sila nalang ang kinuha niya at isa pa magagaling naman ang mga iyon e. Pang korean ang skills nila when it comes to make up and fashion taste.

After kong kumain ay nagcellphone lang ako. Wala naman akong magawa ngayon e. Si Chesa nando'n sa taas, naghahanap ng kung ano, akala mo naman bahay niya 'to. Babaeng 'yon talaga napaka walang hiya. Namataan ko ito pababa at may hawak na kung ano, ang lawak pa ng ngisi.

"Anong ngising 'yan?" Dudang tanong ko. Tumawa lang ang babae at inilabas ang uno cards na hawak niya. "Iyan na naman ang nakita mo? Pambihirang 'to. 'Lika, maglaro tayo."

Tumawa siya ng malakas. "Kala ko magrereklamo ka na ayaw mo."

"No way. Ang boring na kaya," sabi ko at umupo ng maayos sa sahig para sa uno. "Kaya lang tayong dalawa lang?"

"Gusto mo isama natin si Lola?" Nakangising tanong niya. Agad ko namang inabot ang unan at hinampas sa kaniya.

"Babaeng 'to! Umayos ka," pinandilatan ko ito ng mata.

Nagsimula na kami sa laro, nasa kalagitnaan na kami nang may magsipasukan sa bahay. Akala ko no'ng una kung sinong tao, 'yon pala si Lola lang at si Devin. Nang makita kami ni Devin na naglalaro ng uno ay agad itong tumabi sa kay Chesa at tinuruan ito para talunin ako.

"Ito, lapag mo 'to. Ayan, plus two ka na, Reia," sabi niya at tumawa pa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Plus two ka diyan. Ayan oh, plus four! Baka may panlaban ka diyan, balik mo sakin. Nahiya ka pa."

"Wala na! Sali niyo na ako. Ako na magbalasa niyan," walang pasabi niyang inagaw ang cards namin. Wala naman akong nagawa kundi ang pagbigyan siya. May choice ba ako? Inagaw na niya e.

"Hindi ka pa nakakapagbihis," puna ko sa suot niyang damit.

"Okay lang 'yan. Gwapo pa rin naman ako at mabango," makapal ang mukha na sabi niya. Napangiwi naman ako at napatingin sa kaibigan na nakangiwi rin.

"Lakas ng hangin, wala namang bagyo. Feel mo ba, Reia?" Sabi ni Chesa na agad kong sinakyan.

"Oo nga e. Grabe sa hangin. Hanging Devin na hindi pinili," napangisi ako nang natigilan ito at sinamaan ako ng tingin.

"Grabe na kayo sakin. Parang walang pinagsamahan."

Si Chesa ang sumagot. "Wala naman talaga. Sino ka ba?"

Nagpatuloy kami sa paglalaro hanggang sa magsawa na kami kaya nanood nalang kami ng movie na si Devin mismo ang pumili. Bida bida rin ang isang 'to e. Wala naman kaming nagawa, nanahimik nalang kami tutal nakauna na siya e. Maganda naman ang pinili niya, alam niyo kung ano 'yon? Barbie.

Yes po. Barbie and the Pink Shoes. Langya, kalalakeng tao nanonood ng barbie pero yaan na nga.

"Bakla ka ba?" 'Yon na nga, nagtanong na si madam Chesa. Napatakip naman ako ng bibig para pigilan ang tawa ko.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now