Chapter 21

12 2 0
                                    

"Hana, dul, set! Maeil hwipsseullideut harureul saldaga, Jageun uimuni saenggyeotji, Ongat saramdeurui mare jichyeoman ga, Daeche nuga nareul jeonguihae!"

Todo bigay na kanta namin ni Chesa. Hawak nito ang water bottle at ito ang ginawang microphone, samantalang suklay naman ang akin. Para kaming tanga na kumakanta sa loob ng condo unit namin sa kalagitnaan ng gabi. Ang mga plastic ng tsitsirya ay nagkalat sa sahig at ang ilang chips ang mga lata ng beer ay nagkalat sa center table.

"We go and shout, shout, shout when were together!" sigaw nito at hinahampas hampas pa ang kamay sa hangin.

Bumagsak ang katawan ko sa sofa at inihilig doon ang ulo. Nakakaramdam na rin ako ng kunting hilo dahil sa pag inom na ginawa naming dalawa. Maya maya pa ay umupo na rin ito sa tabi ko.

"Sakit ng lalamunan ko," reklamo nito bago sinimot ang natirang laman ng beer.

Natulala ako habang iniisip ang mga bagay bagay. Ilang buwan pagkatapos ng graduation ay umalis ako kasama si Chesa. Pumunta kaming maynila para dito maghanap ng trabaho. Pero isang linggo na ang nakalipas nang wala pa rin kaming ginagawa. Puro gala lang. Pumuntang Tagaytay, mag ikot sa BGC, mag window shopping sa MOA at kung ano ano pang katangahan na malayong malayo sa ipinunta namin sa lugar.

"Apply ka na, Rei. Paubos na ang pera natin," wala sa sariling sambit ni Chesa sa tabi ko.

"Nag apply na ako. Hinihintay nalang ang email, text, or call. Nasermonan na rin kasi ako ni Ate," sagot ko rin sa kaniya.

Nilamon ng katahimikan ang limang minuto naming dalawa hanggang sa nag desisyon na kaming linisin ang kalat at matulog dahil bukas ay maghahanap ng trabaho itong si Chesa. May target na akong airlines at iyon ay ang SAA gaya ng sabi ko. Star Asia Airlines. Wait for me. Sisiguruhin kong matatanggap ako doon. Sayang ang pagiging laude ko kung hindi ako matatanggap! Charing.

"SAAN ka mag-a-apply?" Tanong ko kay Chesa kinabukasan.

Nakaharap ito sa salamin at inaayos ang damit niya. Nilingon ako ito at nagkibit balikat.

"Kahit saan," sabi nito na ikinataas ng kilay ko.

"Try mo sa Herrera Group," recommend ko sa kaniya.

Malalaki ang mata ako nitong hinarap. "Girl, ang laki ng kompanyang iyon. Mukhang mataas standard."

"So? Try mo lang naman."

"Saka nalang kapag may experience na ako. Baka mapahiya ako ng wala sa oras," sabi nito na tinanguan ko nalang.

Umalis na ito kaya ako nalang ang naiwan sa unit namin at mag isa. Wala akong gagawin kaya nilinis ko nalang ang condo habang nagpapatugtog. Hati kami ni Chesa sa condo na ito kahit pa may bahay sila dito sa maynila. Ang dahilan niya ay gusto niya daw akong samahan kaya pumayag nalang din ako. Hindi naman ako makatanggi dahil baka kung ano ano na naman ang sasabihin nito.

Nang matapos ako sa paglilinis ay bumaba ako dala ang trash bag. Habang naghihintay ng elevator ay chineck ko muna ang mails ko kung meron bang email galing sa Star Asia. Na disappoint lang ako nang makitang wala. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa elevator. Nang mailagay ko na sa basurahan ang basurang dala ko ay tumingin ako sa mataas na building na nasa harap ng condo building. Nang mapatingin ako sa isang convenient store ay nag decide akong bumili ng ice cream.

Ice cream lang sana ang bibilhin ko nang mahagip ng mata ko ang canned beer. Tinitigan ko iyon ng mabuti, umiling ako at aalis na sana nang matagpuan ko nalang ang sariling kumukuha ng limang lata.

"Someone's already know how to drink," sabi ng kung sino na dumaan sa likod ko.

Kumunot ang noo ko at nilingon ang nagsalita. Pagtataka ang gumuhit sa mukha ko nang makita ang isang lalaki. He looks familiar pero hindi ko maalala kung saan ko ba ito nakita. Naramdaman niya yata ang tingin ko kaya nilingon niya ako. Ngumiti ito sa akin.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now